SexBomb Sunshine comments on ratings war between "Eat Bulaga!" and "Wowowee"


"Sana po ay nakakatulong nga kami sa rating, pero siyempre, ang mga bida lagi sa show ay ang Tito, Vic & Joey. Sila yung main ingredients sa EB, e," says SexBomb Sunshine Garcia.


Hindi ikinaila ni Sunshine Garcia ng SexBomb Girls ang kanyang pagkagulat sa biglang pag-arangkada sa ratings game ng katapat na programa ng Eat Bulaga!, ang Wowowee ni Willie Revillame.

Gayunman, sinabi ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na naniniwala siyang muling makababawi ang noontime show, na itinuturing nang institusyon sa telebisyon dahil sa pagbibigay-saya at papremyo at dahil sa pamamayagpag nito nang mahigit 28 taon.

"Iyong sa SexBomb naman kasi, ginagawa naman naming ‘yong nararapat, e. Pati ‘yong Eat Bulaga!, ginagawa nila kung ano ang ikagaganda ng show at ikatataas ng ratings. Kumbaga, ngayon ay wala namang nakaka-maintain na lagi silang nasa taas. Kahit naman ‘yong Daisy Siete, tumataas-bumababa.

"Kahit naman ‘yong kabila, ‘yong katapat ng Eat Bulaga!, ay tumataas at bumababa rin ang ratings, e. Kasi, depende iyan minsan sa viewers. Minsan ay may mga oras na maganda sa EB, minsan ay maganda rin yung sa kabila," pag-esplika ni Sunshine sa panayam ng PEP.

Tinanong siya ng PEP kung aminado siya na ang kakompitensya ng EB ay mas matindi ngayon.

Prangkang sagot ni Sunshine, "Mas matindi po talaga, compared noon na hindi talaga nalalamangan ang Eat Bulaga!. Nagulat din siyempre ako na bigla rin silang nakadikit, kasi ang laki ng difference noon, e. Dahil ang Bulaga ay 20-plus lagi, tapos yung kabila ay 15 o 16. Tapos, katagalan ay nagiging 17, tapos ay bumabaligtad na iyong pangyayari na first time nangyari sa EB.

"Lahat kami ay nasa-shock na ano ang nangyari, bakit nagka-ganoon? Pero alam ko na unti-unti ay babalik ang lakas ng Eat Bulaga! Babalik naman talaga iyan. Kumbaga, parang nagkaroon lang nang kaunting pagbabago sa show, e. At iyong mga suking manonood ng EB, nandiyan lang lagi ’yan, hindi na mawawala iyan, lalo na yung fans nina Tito, Vic & Joey."

Bali-balita noon na kaya sila ibinalik sa Eat Bulaga! ay para makatulong sa ratings, ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, mayroon na naman po talagang, kumbaga, sa bawat artista ay may mga follower na, e," sabi ni Sunshine. "Ang Sexbomb ay mayroon na rin po iyan, siyempre. Kumbaga, sa tagal na kaming hindi nakikita sa tanghali, siyempre ay marami rin ang nasasabik na makita ulit kami. Sana po ay nakakatulong nga kami sa rating, pero siyempre, ang mga bida lagi sa show ay ang Tito, Vic & Joey, sila ‘yung main ingredients sa EB e."



Ang balita raw ni Sunshine ay mataas ang naging rating ng EB nang magkaroon ng showdown ang EB Babes at Sexbomb, pero mas gusto niyang walang intriga at walang kompetisyon sa dalawang grupo ng dancers.

SEXBOMB REGULAR ULI? Hindi niya alam kung ano ang plano ng management ng EB, pero sakaling may offer sa grupo ni Joy Cancio, manager ng Sex Bomb, para maging araw-araw na sa noontime show ng TAPE Inc. sa GMA-7, magiging mixed daw ang kanyang feelings.

"Kung gawin kaming araw-araw dahil makakatulong sa ratings, siyempre po kung i-o-offer, thank you, dahil parang bumalik na kami sa talaga naming trabaho na yung every day ay gigising kami at may trabaho kami kada-tanghali. Kaso ang problema lang kasi, ayaw naming mag-commit sa isang bagay na alam naming hindi namin magagawa sa ngayon.

"At saka, siyempre yung mga bata [EB Babes] nang nawala kami, pumasok sila at siyempre parang nasa kanila na iyong dati naming puwesto. Siyempre’y gusto rin nilang magtrabaho at ayaw naman naming alisan din sila ng trabaho, ayaw naming maging selfish kami. Gusto namin, kung ano yung mayroon kami ay mayroon din sila. Ayaw din naming mangyari iyon, kahit naman kami ang lumugar sa puwesto nila na nabawasan na nga sila ng dalawang araw sa pagbabalik namin, tapos ay tatanggalin niyo kami, parang... siyempre, hindi ba?

"So, kung magiging three times a week o maghahati kami, ganoon na lang siguro, puwede iyon para fair din sa EB Babes. Iyon ay kung may offer nga," pagwawakas ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN