Rico J Puno visits winner of Pilipinas Win na Win segment

Nov 28, 2010
Pilipinas Win na Win host Rico J. Puno recently visited the house of Robert Nonato, winner of the game show's "OMG" segment.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Hindi sukat-akalain ni Roberto Nonato na maliban sa kanyang pagkapanalo ng tumataginting na P900,000 sa OMG segment ng patok na patok na Pilipinas Win Na Win, personal pa siyang dadalawin ni Hitmaker Rico J. Puno sa kanyang tahanan upang kamustahin at makakwentuhan.

"Sobrang natuwa po ako. Sino ba namang hindi magiging masaya kapag dinalaw ng isang sikat na sikat na singer tulad ni Rico J. Marami din akong natutunan sa kanya tungkol sa buhay, dahil tulad din pala ng isang ordinaryong tao, marami din siyang mga pinagdaanan," ani Roberto.

"Ang pagdalaw ni Rico J sa nagwaging contestant ay umpisa pa lamang sa mga sorpresang ihahatid ng Hitmakers para sa mga masugid na tagapanood ng PWNW. Aniya, bukod sa malalaking papremyo na handog ng show, mainam din na magbigay ng payo sa mga mananalo upang tuluyang mabago at mas mapaunlad ang buhay ng mga ito.

"Napakalaking halaga ang napanalunan ni Roberto. Gusto ko siyang bigyan ng advice kung paano niya maaring mapakinabangan ng husto ang kanyang napanalunan. Gusto ko din pagaanin yung loob niya dahil alam kong bago pa siya sumali sa OMG, matindi na ang kanyang mga pinagdadaanan," sabi ni Rico J.

Continue reading below ↓

"Samantala, lubos din ang pasasalamat ni K Brosas sa mabilis at mainit na pagtanggap sa tambalan nila ni Pokwang sa PWNW. Ayon sa bagong co-host, kusang dumating ang nasabing oportunidad sa kanya kaya't nararapat lamang na magpasalamat siya sa Diyos.


[Ed's Note: Magkasama ang dalawang komedyante sa segment na tinaguriang "Galaw-Galaw, Gayahin Ang Sayaw."]

"Mabait talaga ang Diyos. Abangan na lang nila ang mas nakaka-aliw at mas masayang tandem namin ni Pokwang. Dalawang bakla ba naman pagsamahin mo sa isang noontime show," pahayag ni K kasabay ang malakas niyang paghagalpak sa tawa.

"Di ba nga't milyung-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na't makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, 2:30 pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pilipinas Win na Win host Rico J. Puno recently visited the house of Robert Nonato, winner of the game show's "OMG" segment.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results