"Wowowee" suspended for three consecutive episodes by MTRCB


ABS-CBN’s noontime show, Wowowee, was slapped with a three-episode suspension after young star Eda Nolan’s tube top slipped during an opening number to promote the comedy show, Gokada Go.


Biglang tumahimik ang buong studio ng Wowowee sa live telecast ng programa kaninang hapon, June 6, pagkatapos ng announcement ng host ng noontime show na si Willie Revillame. Malungkot na ibinalita ni Willie ang naging desisyon ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na suspindihin sa ere ang Wowowee sa loob ng tatlong araw.

Ipinakita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng Business Unit Head ng Wowowee na si Cynthia Jordan—o mas kilala bilang Mama Bear sa kanyang staff—ang kopya ng MTRCB decision.

Ito ang nakasaad sa huling talata ng sulat ng MTRCB: "Wherefore, premises considered this Board finds that the respondent violated P.D. 1986 and its supplementing rules and regulation and hereby suspends the showing of the television program Wowowee for three consecutive episodes."

Pinirmahan ng tatlong Board members na sina Mark Castrodes, Edmund Sicam, at Paulino Cases, chairman ng investigating committee, ang desisyon.



Ayon kay Ms. Jordan, paninindigan nila ang stand nila na isang aksidente ang nangyaring pagbaba ng garterized tube blouse ng young star na si Eda Nolan nang mag-perform siya, kasama sina Kim Chiu at Gerald Anderson, sa opening number ng Wowowee para sa promo ng bago nilang youth-oriented comedy show na Gokada Go.



"Despite all measures na meron pong strap, meron naman pong bra, meron pong nipple tape, but still aksidente ito. Live ito, e. ‘Yon po ‘yong sinasabi namin sa kanila [MTRCB]. Pero hindi nila kinatigan ‘yong point namin.



"Well, for me, I’m sure they are also doing their job po ano. Pero sana maintindihhan din nila na nobody in his right mind would put a stunt like that on national television. And secondly po, Wowowee does not need this publicity. Hindi po kami gumagawa ng gimik. Hindi namin kailangan," diin ni Ms. Jordan.



Nilinaw rin ni Ms. Jordan ang kumakalat na balitang seven-day suspension diumano ang ibinigay sa kanila ng MTRCB. "Iyong seven days po, e, we were given seven days to present our evidence sa kanila," paglilinaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon ay ginagawa na raw nila ang kanilang appeal at kinakausap ang mga abogado ng ABS-CBN para ma-lift ang three-day suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.

"Sana po maayos ‘to agad. Alam naman ni Chairman [Consoliza Laguardia] na ang intension ng show namin ay magpasaya, magpaligaya sa mga tao. Tumulong sa mga tao. Higit pa doon ay wala na kaming intensiyon o anuman," sabi ni Ms. Jordan.

So far, wala pa silang ideya kung kailan magsisimula ang three-day suspension ng Wowowee.

WILLIE’S STATEMENT. Samantala, narito naman ang nilalaman ng pahayag ni Willie sa live telecast kanina:



"Humihingi po kami ng paumanhin kung meron kaming nagagawa o nasasabi dito na may nasasaktan o nakaka-offend kami. Wala po kaming masamang intensiyon o malisya sa mga pangyayari dito.

"Hindi po namin alam kung ano ang magiging outcome o mangyayari. Naghihintay lang po kami ng desisyon, pero gusto lang po naming malaman ninyo na may desisyon po ang MTRCB sa amin.

"Humihingi po kami ng paumanhin ulit kung kami, e, ‘yung mga sayaw dito na akala ninyo naman na sinasadya namin, sumisipa. Hindi po namin binibigyan ng malisya ‘yon. Wala po. Dahil alam ninyo naman po kami rito, ang pakay lang namin ay magpasaya.

"Kahit papano, eto naman po ay abot-kamay, hawak-kamay ng ating mga kababayan sa buong mundo, tumutulong sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kung may ganito pong desisyon, kami po, e... hindi ko po alam kung ano ang mangyayari sa ngayon. ‘Yon lang po ang aming pagkakaalam kaya humihingi po kami ng paumanhin.

"At sana po, hindi matuloy ‘yong suspension namin ng tatlong araw. Ipagdasal ninyo po kami at magsama-sama tayo na sana po ay magkasama-sama pa tayong muli after three days. Susundin po namin kung ano ang magiging desisyon nila. Pero gagawa po kami ng paraan na di namin kayo iiwanan. Dahil ang programang ito ay programa ng bawat Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana maintindihin ninyo na pag-uusapan pa namin dito kung ano ang mas ikagaganda sa aming pagbabalik. Hindi po namin alam kung ano ang mangyayari at baka bukas po kung suspendido na kami, e, wala kami. O kung hindi man bukas o sa ibang araw. Basta meron akong announcement sa inyo, malalaman ninyo. Basta kami rito, kahit ano pong mangyari, babalik po kami para sa inyong lahat."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN