Ruffa Gutierrez replaces Kris Aquino in "The Buzz"


Kris Aquino is reportedly leaving The Buzz, with Ruffa Gutierrez, who temporarily took over Kris’s hosting chores during her maternity leave, replacing her for good.


Nag-taping na si Kris Aquino para sa pilot telecast ng nagbabalik na Kapamilya Deal Or No Deal noong Tuesday afternoon, June 5, sa Studio 4 ng ABS-CBN.



Ang humalili kay Kris bilang host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez ang first celebrity player ng naturang game show. Buong-buo naman ang ibinigay na suporta ng pamilya ni Ruffa sa kanya para tulungan siya sa show, headed by her mom Annabelle Rama.



First time na naiwan ni Kris sa bahay ang kanyang bunso na si Baby James. Hindi pa raw kasi puwedeng isama si Baby James sa studio. But sooner or later, magiging laman na rin daw ng studio si Baby James, na ngayon ay seven pounds na ang bigat.

Prior to the taping, nakapag-pictorial na ng dalawang beses si Kris with Baby James. Isa para sa kanyang K Magazine and the other is for a product endorsement.



Hindi natuloy ang plano ni Kris na magbiyahe sa Bangkok para doon i-celebrate ang kaarawan ng panganay niyang anak na si Joshua. Instead, nagpunta ang buong pamilya sa Fontana sa Clark, Angeles. Three days sila nag-stay doon at pagbalik ay sumalang na si Kris para sa rehearsal ng bagong Kapamilya Deal Or No Deal.



Pina-postpone na rin ang solo press con sana ng ABS-CBN para kay Kris this week. Although magkakaroon ng trade launch ang Kapamilya Deal Or No Deal bukas, June 7.



Umugong ang balita na may pasasabugin diumano si Kris sa gaganapin sanang solo press con for her ng ABS-CBN. Pero naudlot ang plano ni Kris dahil hindi nga natuloy ang press con.



Although we gathered from some sources na isa sa mga ilalahad diumano ni Kris sa press conference ay ang pormal na pamamaalam niya bilang host ng showbiz talk show na The Buzz.

Incidentally, ang papalit kay Kris bilang permanenteng host ng The Buzz ay si Ruffa. Matatandaang si Rufa ang pansamantalang pumalit kay Kris nang mag-maternity leave ang huli. Since then ay hindi na bumalik si Kris bilang host, bagama’t almost every week ay napapanood pa rin siya roon para sa update sa kanyang pagbubuntis at panganganak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, June 7, ay nakatakdang pumirma ng kontrata si Ruffa sa ABS-CBN. Kasama sa kontratang pipirmahan niya ang pagiging regular host niya sa The Buzz.

Samantala, sobrang nag-enjoy si Ruffa sa paglalaro niya bilang first celebrity player ng Deal Or No Deal. Less than half a million pesos ang napanalunan ni Ruffa sa show.

Sa taping din ng naturang game show unang nagkita sina Kris at Ruffa pagkatapos palitan ni Ruffa si Kris bilang host ng The Buzz.



Sa mga nakaraang interviews ni Kris ay sinabi niya na may dalawang shows siya sa ABS-CBN na kanyang iiwanan para pagtuunan ng pansin ang kanyang pamilya.

Una na niyang ipinahayag ang hindi niya pagbabalik sa daytime game show na Pilipinas, Game Ka Na Ba? na kasalukuyang hinu-host ni Edu Manzano. At ngayon nga ay lumabas na rin ang balitang tuluyan na niyang iiwanan ang The Buzz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN