Pilipinas Win Na Win hosts give boxing champ Nonito Donaire a welcome home party

Dec 14, 2010
Two-division world boxing champion Nonito Donaire (in photo) was welcomed by Hitmakers Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuniga and Marco Sison yesterday in Pilipinas Win Na Win when the boxing champ guested in the show.


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

"Nagmistulang welcome home party ang episode ng Pilipinas Win Na Win (PWNW)kahapon dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nagbigay-pugay ang hit na hit na noontime show kay two-division world boxing champion Nonito Donaire, na kararating lang sa bansa upang dito ipagdiwang ang Kapaskuhan.

"Proud na proud ang mga PWNW Hitmakersna sina Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison sa pag-awit para sa natatanging boksingero. Anang mga champion sa musika, anumang laban daw ang harapin ni Donaire ay tiyak na susuportahan nila ito.

"Hawak ang makulay na bandila ng Pilipinas, hindi magkamayaw ang mga audience sa pag-cheer kay Donaire. Samantalang ang maybahay naman niyang si Rachel ay masaya siyang pinanood kasama ang iba pang PWNW hosts na sina Pokwang, K Brosas at Valerie Concepcion.

"Ipinamalas din ng kampeon na boksingero ang kanyang tinatagong talento sa pagkanta. Ka-duet ang mga Hitmakers, swabeng-swabeng inawit ni Donaire ang "More Than Words." Kilig na kilig naman ang mga audience sabay ang pagtutok ng camera kay Rachel.

Continue reading below ↓

"'Upang magtagumpay sa buhay, kailangan lang talaga ay tiyaga, disiplina at higit sa lahat, tiwala sa sarili,' payo ni Donaire sa kanyang mga tagahanga.

"Matatandaan na kamakailan lang ay pinataob ni Donaire ang Ukranian na si Wladimir Sidorenko sa isang sagupaan na ginanap sa Honda Center sa Anaheim, California. Ito na ang ika-24 na sunud-sunod na panalo ni Donaire.

"Sa darating na Pebrero 19, muling sasabak si Donaire sa ring upang muling pabagsakin ang kanyang kalaban na si WBC bantamweight king Fernando Montiel. Nais ng Pinoy na boksingero na muling makasungkit ng titulo at sundan ang yapak ng kanyang iniidolong si People's Champ Manny Pacquiao.

"Samantala, nakatakda din ang pagpapakasal nina Donaire at Rachel sa Nobyembre 11 ng susunod na taon na itatapat sa 11.11.11. Masuwerte daw kasi ang numero uno para sa boksingero kaya niya napili ang petsang ito.

"Sa Sabado, guest naman ang kampeon ng tahanan, si Tanging Ina Ai-Ai de las Alas.

"Di ba nga't milyun-milyong tuwa ang hatid ng Pilipinas Win na Win ngayon at magpakailanman kaya't tutok na't makisaya dahil ikaw ang bida dito Lunes hanggang Sabado, pagkatapos ng Showtime sa ABS-CBN."

Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the TV station itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two-division world boxing champion Nonito Donaire (in photo) was welcomed by Hitmakers Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuniga and Marco Sison yesterday in Pilipinas Win Na Win when the boxing champ guested in the show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results