Pilipinas Win na Win hosts become emotional as they bid farewell to their show

by Mari-An Santos
Jan 1, 2011
After airing for the past five months, Pilipinas Win na Win had its final episode on the last day of 2010, December 31. (L-R) Nonoy Zuñiga, Saicy Aguila, Marco Sison, Pokwang and Rico J. Puno gave their message to the people who supported them in the past.

Gaya ng inaasahan, mistulang concert at "best of" tribute ang huling pagtatanghal ng Pilipinas Win na Win! sa ABS-CBN nung bisperas ng bagong taon, December 31.

Ang mga kasalukuyang hosts na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, at Marco Sison—collectively known as The Hitmakers—kasama sina Valerie Concepcion, K Brosas, at Pokwang ay nanguna sa pamamaalam sa mga televiewers.

Imbis na ipakita ang mga regular segments ng variety/game show, tulad ng Gulong ng Premyo, OMG Ano Ito? at Ang Theme Song Ng Buhay Mo, sunod-sunod na musical numbers ng The Hitmakers at montage ng mga nakaraang episode ang ipinalabas.

Masasabing highlight ng show ang jamming ng The Hitmakers kasama ang mga alamat ng Philippine rock 'n' roll na sina Heber Bartolome, Mike Hanopol at Pepe Smith.

Nabanggit sa mga pasasalamat ang mga previous hosts ng five-month-old show, gaya nina Robin Padilla, Kris Aquino, Mariel Rodriguez, Janelle Jamer, at Gee Canlas.

Continue reading below ↓

Naunang tumulo ang luha sa mga mata ni K, na sinabing sa tagal niya sa showbiz ay ngayon lang siya binigyan ng pagkakataong mag-host. Binanggit din niyang magkaibigan naman talaga sila ng katrabahong si Pokwang. "Madaming bumabatikos, akala nila, di kami nagkakasundo. Pero sobrang close po kami."

"Very talented kang tao at napakahusay mo," pag-encourage ni Pokwang.

ABOT-ABOT NA PASASALAMAT. Inamin ni Rico J. Puno: "Mahirap pala yung in a short time ay mapapamahal sa 'yo yung mga katrabaho mo. Lalo na yung production staff. Araw-araw mo silang kasama, parang sila na yung pamilya mo."

Abot-abot ang pasasalamat ng mga host sa cameramen, writers, dancers, at lahat ng kasama sa produksiyon. Gayundin, sa mga executive ng ABS-CBN, kabilang sa presidente na si Charo Santos-Concio, Gabby Lopez, at Johnny Manahan.

Sa loob ng tatlong buwan, nagkuwento ang mga hosts ng mga pagbabago sa buhay nila dahil sa show.

"Madami din kaming natutunan sa inyong apat. Thank you sa friendship," ani Pokwang.

Ani Marco, "The people behind the scenes, talagang nakakatulong. Natututo akong maging team player. It's a beautiful experience."

Ayon naman kay Nonoy, "Natuto akong magising nang maaga."

Patawa naman ni Rico J., "Tatlong buwan kong pinigil na maging bastos sa TV."

Paniwala naman ni Rey: "Kahit anong mangyari, next year we will be all right and we will survive."

Di rin napigil na patuloy na lumuha ni Valerie habang nagpapasalamat sa mga manonood. "Sa three-and-a-half years na nasa noontime [show] ako, malaki ang nagbago sa buhay ko. Maraming salamat sa lahat-lahat ng mga host, lahat ng mga crew na nakatrabaho ko.

"Napamahal na kayo sa akin. Lalong lalo na..." At this point, inakap ni Valerie si Pokwang, sabay sabing, "Pokie...parang ate-atehan ka na sa amin."

Sabi naman ni Pokwang, "Sa lahat ng viewers, sa lahat ng tumangkilik, kahit na nung naging pang-hapon na kami, 'di niyo kami iniwan.

"Sa kabila na sandali lang tayo nagkatrabaho, napakasaya kong ginawa yun. Ipinagdarasal ko na magkakatrabaho tayo."

Continue reading below ↓

Pagtatapos ni Pokwang, "Sa mga taong sumuporta sa atin, sponsors at advertisers natin. Salamat din sa mga tumangkilik at bumatikos."

Paglalagom ni Rico J., "A job well done ang ginawa ng grupong ito para sa PWNW, staff, writers, dancers..."

Sa finale ay umawit ang The Hitmakers ng It's Just Another New Year's Eve at Auld Lang Syne.


Pagkatapos mag-toast ng champagne ay nagsara na ang backdrop ng Pilipinas Win Na Win sa huling araw ng 2010.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After airing for the past five months, Pilipinas Win na Win had its final episode on the last day of 2010, December 31. (L-R) Nonoy Zuñiga, Saicy Aguila, Marco Sison, Pokwang and Rico J. Puno gave their message to the people who supported them in the past.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results