Boys of "Pinoy Big Brother" Season 2 treated to a night out


The five boys (Bruce, Bodie, Mickey, Nel, and Robert) of Pinoy Big Brother Season 2 get to interact with masked women while the girls are fuming mad about their night out.


Para subukan ang tatag ng mga lalaking housemates laban sa tukso, nagplano si Kuya ng isang boys’ night out para sa kanila.

Huwebes (June 7) ng gabi nang sabihin ni Kuya sa mga kalalakihan na sila ay lalabas para sa isang exclusive boys’ night out at kailangan nilang maghanda para dito.

Tulad ng inaasahan, nag-alburuto ang mga babaeng housemates sa balitang paglabas ng mga boys, lalo na itong si Wendy na kitang-kita ang pag-aalala na baka may gawing hindi kanais-nais si Bruce, "Bakit ganun, saan galing ’yang boys’ night out na yan? It’s so unfair! Bakit kami wala? Hindi pwedeng sumama si Bruce kasi may sugat siya...ayoko ng boys’ night out na yan!"

Sa kabila ng pag-apila ng mga girls, tuloy pa rin sa pagpapa-pogi ang mga lalaking housemates kaya’t lalong nainggit ang mga ito at panay lamang ang paalala sa mga lalaki, "Be good ha!"

Sa limang natitirang lalaking housemates sa Big Brother House ay apat lamang ang nakasama sa boy’s night out dahil hindi na pinagising pa ni Kuya si Bodie na mahimbing nang natutulog sa loob ng boys’ bedroom.

Nang magising si Bodie, agad na itong sumugod sa confession room at nag-apila kung bakit hindi siya pinagising ni Kuya. Matapos ang ilang paliwanagan ay pumayag na rin si Big Brother na sumunod si Bodie sa boys’ night out.

Nilubos-lubos ng mga lalaking housemates ang kanilang exclusive mini-party sa tabi lamang ng Bahay ni Kuya. Nakasama nila ang ilang naka-maskarang dalaga na mula sa Maxim Bongbus.

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa Pinoy Big Brother Season 2 sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN