Real-life sweethearts Jason Francisco and Melai Cantiveros will soon topbill Mana Po


Melai Cantiveros and Jason Francisco will soon show their dramatic skills through Precious Heart Romances Presents Mana Po.


Maganda ang pasok ng 2011 para kay Jason Francisco. Early January pa lang ay nagte-taping na sila para sa upcoming series nila ng real-life girlfriend na si Melai Cantiveros. Ito ay ang Precious Hearts Romances Presents Mana Po.

Ayon kay Jason, ang Mana Po ay kuwento ng dalawang tao na mula sa magkaibang mundo: ang karakter ni Jason ay mula sa mahirap na pamilya, samantalang ang karakter ni Melai ay mula sa mayaman na angkan. Si Tom Rodriguez ang magiging ka love triangle nila sa TV show na ito dahil ang karakter ni Tom ay in love na in love sa karakter ni Melai.

"Ang istorya ay tungkol sa mana, sa pera, sa kayamanan. Kaya Mana Po ang title," paliwanag ni Jason sa PEP nang maabutan siya sa ABS-CBN compound noong January 27.

"Anak na panganay ako dito. Pasan niya yung mga problema," kuwento ni Jason tungkol sa karakter niya.

"Si Melai naman Ingglesera, sosyal, kabaliktaran niya din," ang pag-describe naman ni Jason sa karakter ng kanyang kasintahan.

Iba ito sa mga naunang mga proyekto ng Melason dahil "sobrang ma-drama, sobrang mabigat, kakaiba."

Para nga paghandaan ang mga ma-dramang eksena dito ay nag-workshop sila. "Medyo mahirap po talaga mag-drama," pag-amin ni Jason. "Yung sa Impostor, medyo may drama nang kaunti, pero di naman kami yung bida. Sa Mana Po, kami na yung bida e."


Sa Impostor, nakasama ng Melason love team sina Sam Milby at Maja Salvador.

"Nahirapan akong umiyak, di kasi ako masyadong marunong umiyak, e," pag-amin ni Jason. "Hanggang teary-eyed, yung maluha-luha lang."

"Pero okay naman daw yun kasi lalake naman ako."

Tungkol naman sa kanyang kasintahan at leading lady sa show, ayon kay Jason: "Magaling po si Melai umiyak. Magaling talaga po siya."

Kinuwento din ni Jason ang lugar kung saan sila kasalukuyang nagte-taping, sa Pakil, Laguna. "Sobrang malayo! Pero ang ganda ng lugar, ang ganda ng simbahan dun! At saka mababait yung mga tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DREAM ROLE. Bagamat bagong challenge ang pagsabak sa drama, ayon kay Jason, "Mas komportable talaga ako sa comedy. Gusto ko yung comedy na may kaunting action."

"Mahilig kami sa comedy, yung tawa-tawa lang. Doon, iba na yung role namin, e."

"Favorite namin yung comedy-horror, di pa kami naka-try," sabi ni Jason tungkol sa mga roles nila ni Melai so far.

"Pero ito, napakalaking challenge po para sa amin, kasi ibang iba sa aming mga sarili. Parang hindi kami," sabi niya tungkol sa Mana Po.

FAMILY TIME. Ayon kay Jason, pinili nila na umuwi sa kani-kanilang pamilya noong Pasko. Umuwi si Jason sa Oriental Mindoro samantalang si Melai ay pumunta sa General Santos City. Ngunit bago sila naghiwalay noong Pasko ay nagbigayan sila ng regalo sa isa’t isa.

Ayon kay Jason, isang sombrero at lagayan ng CD ang regalo ni Melai sa kanya. Isang napakalaking teddy bear naman ang bigay ni Jason sa kanyang kasintahan.

Kuwento pa niya: "Nung nag-Christmas party kami, siya ang nabunot ko para sa exchange gift. Ang regalo ko ay sapatos na mataas ang takong at may kaliskis-ahas. Tapos nung binayaran ko, may ka-partner pala yun na wallet, kaya nabili ko na rin."

Matapos ang bagong taon ay nakapag-bonding sila nang isang araw out of town. "Lumabas lang kami nang isang araw nung New Year, mga January 2 yun. Kasi kinabukasan, taping na."

ARAW NG MGA PUSO. Dahil nalalapit na ang Valentine’s Day, tinanong ng PEP kung ano ang plano ng magsing-irog sa araw ng mga puso. "Wala. Matagal na kaming di nagpa-plano pag mga ganyan kasi palaging natatapat sa taping e." Inamin din ni Jason na wala pa siyang gift kay Melai for Valentine’s Day.

Sa ngayon ay busy ang magkasintahan sa Mana Po at sa isang movie na wala pang title ngunit idi-direk ng premyadong director na si Soxie Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula na sa Pebrero ipalalabas ang Precious Hearts Romances Presents Mana Po sa ABS-CBN. Kasama sa cast sina Giselle Sanchez at Buboy Garovillo. Kasama rin nila si RR Enriquez na siyang gaganap na best friend ni Melai.


(CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN