Saicy tanggal na sa PBB; Robert at Bruce nanganganib na mapalabas


Si Saicy Aguila mula sa Bacolod City ang ikawalong evictee sa Pinoy Big Brother Season 2.


Noong nakaraang Sabado, June 9, napalabas na si Saicy Aguila mula sa Bahay ni Kuya dahil sa mababang bilang ng mga boto na nakuha niya mula sa mga manonood.

Ang malaking porsiyento (60.68 percent) ng mga viewers ng Pinoy Big Brother Season 2 ay sumuporta kay Maria Beatriz Saw, samatalang 39.32 percent lamang ang bumoto para mapanatili ang Samba Dancing Diva.

Naiyak si Robert nang tuluyang mapaalis si Saicy, na siyang ika-walong evictee sa PBB Season 2.

9th SET OF NOMINEES. Nominated naman for eviction ang dalawang lover boys ng Pinoy Big Brother Season 2 na sina Bruce Quebral at Robert Woods.

Sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng harapang nominasyon sa Bahay ni Kuya. Namigay ng vote badges si Kuya na may nakalagay na 1 at 2 dito. Ang bawat housemate ay inatasang idikit mismo sa taong kanilang ino-nominate ang mga vote badges na kumakatawan sa votes na ipinapataw sa kapwa housemate.

Sa harapang nominasyon na naganap noong Linggo ng gabi (June 10) sa loob ng Bahay ni Kuya ay nakatanggap ng 6 points of nomination si Robert habang 5 points naman ang nakuha ni Bruce.

Ano ang magbabago sa magandang samahan nina Bruce at Nel? Iwanan na kaya ni Bruce si Wendy sa darating na 9th Eviction sa darating na Sabado, o sundan kaya ni Robert si Saicy sa labas ng Bahay ni Kuya?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN