Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Imortal enters its second season on ABS-CBN

by Rose Garcia
Feb 3, 2011
In Imortal, Lia (Angel Locsin) finds out that Mateo (John Lloyd Cruz) is the vampire prophesied to save his clan from the werewolves or taong lobos.

Nasa panibagong season na ang primetime series ng ABS-CBN na Imortal. Sa press conference na ginanap kahapon, February 2, sa Dolphy Theater, ibinalita rin na ang Imortal website—napapanood dito ang mga webisodes na hindi nai-e-ere sa telebisyon—ay umabot na raw sa 12 million hits.

Alam naman daw ng leading man sa Imortal na magtatagal ang fantaserye nila.

Sabi ni John Lloyd Cruz, "Ako, alam ko na medyo tatagal siya ng anim na buwan. So, kapag binilang kasi ang isang season tatlong buwan.

Mas matindi ba ang pressure for him and Angel Locsin to maintain the ratings of the show ngayong nasa ikalawang season na sila?

"Mahirap sabihin. I mean, kahit na gaano kaganda ang isang palabas or kahit na gaano kapangit man, sa isang banda, wala naman sa amin 'yon. Ang sa amin lang, kung ano ang ipinangakong istorya at dapat tapusin at dapat maipakita, maikuwento, sana matapos. Sana mabigyan ng chance na maikuwento. Sana matapos siya kung kailan siya dapat matapos.

Continue reading below ↓

"Sa rating, sana subaybayan kasi, medyo matindi 'yong hinihingi ng script. 'Yong hinihingi sa cast, mas matindi ngayon kaysa noong first season."

Ayon kay John Lloyd, instead na bilang vampire ay siya ang kakagat, siya raw ang kakagatin at magta-transform na ang karakter niyang si Mateo sa ikalawang season.

Continue reading below ↓
Recommended Videos



Noong January 11 episode ng Imortal, ipinakita ang love scene nina Lia (Angel Locsin) at Mateo (John Lloyd Cruz). Nalaman na ni Lia na may lahing bampira si Mateo at may posibilidad na siya ang itinakdang magiging kalaban ng mga taong lobo. Sa kabila ng rebelasyon na ito, tinanggap ni Lia si Mateo.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In Imortal, Lia (Angel Locsin) finds out that Mateo (John Lloyd Cruz) is the vampire prophesied to save his clan from the werewolves or taong lobos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results