Meet Star Power finalist K-La Rivera, the R&B Sweetheart of Canada


"Always be thankful to God for every performance, and always give it your best kasi you’ll never know if it will be your last." Ito ang best piece of advice na narinig ni K-La Rivera sa Star Power.



Nakilala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang limang finalists ng Star Power noong January 14 sa isang presscon sa ABS-CBN. Isa sa kanila si K-La Rivera, ang tinaguriang R&B Sweetheart ng Canada, na nais magka-singing career dito sa Pilipinas.



Pakiramdam ng 19-year-old contestant na isang malaking sakripisyo ang paglayo niya sa pamilya niya para mag-compete sa Star Power. Kaya naman nilalakasan na lang niya ang kanyang loob para sa kanila.



"Actually, me being here sa Pilipinas has made me appreciate them more. So everytime we’re talking sa computer, or sa telephone, na-appreciate ko talaga. I miss them so much. Pero I know that it’s God’s plan, so it’s okay. So I have to be strong and I need to grow up someday," pahayag ni K-La.



Pagpapatuloy ng young, aspiring singer, nararamdaman niyang at home siya sa Pilipinas, lalo na’t marami na siyang tagahanga.

"Nagulat po ako kasi I don’t know anyone here sa Pilipinas. So I’m shocked! Thank you for watching Star Power po. It’s very comparative to my feeling, kasi they’re appreciating the show, they’re appreciating all of our hard work," sabi niya.



Nang tanungin naman siya kung ano ang gagawin niya sa mapapanalunang salapi, agad sinabi ni K-La na nais niyang tulungan ang kanyang pamilya. Magiging praktikal daw siya sa pera dahil 14 years old pa lang ay nagtatrabaho na umano siya sa Canada.



"I don’t know if you guys know but I worked at Cinnabon. I was rolling cinnamon buns, and working at the cashier. I was working ever since I left. Kasi when I was 14, I wanted to make my own money. Parang gusto ko, maging independent.



"So kung gusto ko, you know, kumain ng ice cream, or buy those pants, I started working. Alam ko po about the hard work required to make money. So, I know how to save money, and how to spend it wisely."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Bukod sa kanyang pamilya, nais rin daw ni K-La na tumulong sa isang charity.



"It has always been a dream of mine to contribute to a foundation to help children. When we were helping street children, it really, really opened up my heart and it made me feel like we can make a difference... using our passion, our singing to help contribute to the children, to the unfortunate.

"I really want to contribute, and it has always been a dream of mine to contribute to charity," sabi ni K-La.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN