Tween royalties excited na sa kanilang prom night


Will the characters of Joshua Dionisio and Barbie Forteza in Tween Hearts be hailed as Prom King and Queen?



PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

"Ngayong Linggo, February 6, isang kaabang-abang na episode ang ihahandog ng Reel Love presents Tween Hearts dahil ipagdiriwang nila ang pinaka-exciting na event sa kanilang high school life: ang Prom Night!

"Handang-handa na ang Tweens sa big night na ito mula sa paghahanap ng kanilang prom dress, accessories, sapatos at higit sa lahat ang kanilang makaka-date sa prom. Sino kaya ang tatanghaling Prom King and Queen?

"Sa pagpapatuloy ng kwento, mapipilitan si Belinda na maging ka-date si George para lang makaganti kay Jacob. Ang hindi alam ni Belinda, may masamang balak pala sa kanya si George on prom night.

"Nagkita na rin ang magkababatang sina Rick at Heidi. Humingi si Rick ng patawad kay Heidi sa ginawa niyang pambu-bully noon sa kaibigan at sa wakas pumayag din itong maging ka-date sa prom si Rick.

"Matapos pagsilbihan ni Josh si Irene, pumayag din ito na samahan niya si Bambi sa prom. While on the way sa prom, nasiraan naman ng kotse sila Bambi kaya naisip ni Josh na gumawa ng sarili nilang version ng prom sa kalye.

"Samantala, nilagyan ni George ng pampatulog ang drink ni Belinda. Nalaman ni Jacob ang plano ni George kay Belinda kaya sinundan niya ito. Mailigtas pa kaya ni Jacob si Belinda sa masamang balak ni George? Sino ang kaya ang magiging Belle of the Ball? Magiging memorable kaya ng date nila Josh at Bambi?

"Patuloy na humahataw sa ratings ang phenomenal youth-oriented series tuwing Linggo at sa pagpasok ng taong 2011, kabilang ito sa Top 30 weekend programs sa Mega Manila base sa mas kinikilalang ratings supplier Nielsen TV Audience Measurement.

"Huwag palalampasin ang Part 19 episode ng Reel Love presents Tween Hearts ngayong Linggo, February 6, pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA-7."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN