Imortal stars Angel Locsin and John Lloyd Cruz share their insights about love


"Maganda ’yong pagkakagawa, ’yong execution," say the lead stars, Angel Locsin and John Lloyd Cruz, about their love scene as Lia and Mateo in the primetime series Imortal .


Nasa ikalawang season na ang fantaseryeng Imortal ng ABS-CBN. Sa presscon para sa naturang palabas ay game na game sumagot ang mga bida na sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz sa mga katanungan ukol sa pag-ibig.

Kung dark ang naging takbo ng istorya ng unang season ng Imortal, lalo pa raw sa ikalawang season nito. Sabi nga ni John Lloyd: "Ito yung mga trabaho na nakakatakot pasukin kasi sa pagpasok ng bagong season, it gets really dark, especially for my character.

"In the past, sa mga na-experience ko sa mga characters na ginagawa ko sa TV, di imposible na maiuwi, di imposible na madala mo sa pang-araw-araw na buhay mo... So, sa ganoong aspeto, medyo nakakatakot nga, nakakatakot siya," inamin ni John Lloyd.

Sumang-ayon dito si Angel at sinabi niya: "Minsan rin nakakatakot pag sobrang sad ng character mo, madadala mo talaga siya pag uwi. May makukuha ka talaga sa character mo at ma-a-absorb ng pagkatao mo, e.

"Sana lang hindi negative kasi masarap yung masaya ka lang palagi."


Pinakita pa ni John Lloyd ang kanyang romantic side nang sinabi niya: "Sa paggawa ng mga teleserye, napaka-inspiring ng mga storya ng pagmamahalan. Kung gaano katibay [ang pag-ibig]. Kasi kapag naisusulat, pakiramdam ko, totoong nangyayari. Kasi hindi lang siya basta-bastang nai-imagine, naisusulat siya kasi somewhere in the world nag-e-exist talaga ’yong ganoong klaseng pagmamahal."

IMMORTAL LOVE. Nalalapit na nga ang araw ng mga puso kung kaya’t di nakalusot ang kapwa artista sa mga tanong ukol sa pag-ibig.

Ayon kay Angel, "Ang sarap-sarap ng feeling na nagmamahal ka. Lahat tayo kailangan at deserving na may nagmamahal sa atin. Yun ang pinakamasarap na pakiramdam sa buhay natin."

Pagbubunyag naman ni John Lloyd: "Naniniwala ako sa immortal love."

"May imortal na pagmamahal. Sa atin [na mga mortal], sinasabi mo nga sa mahal mo, mamatay man ako, mamahalin pa rin kita hanggang sa kabilang buhay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa romantic love, isang mahalagang form ng love ang binigyang diin ni Angel: "Yung pagmamahal sa atin ni God, immortal yun para sa akin kasi walang katapusan, walang hangganan. Siyempre, ganoon din yung pagmamahal din natin sa family natin, sa mga mahal sa buhay."

Si John Lloyd, ang kasalukuyang boyfriend ni Shaina Magdayao, ay nagbigay ng kanyang opinion tungkol sa immortal love.

"Pag nandito ka naman sa puntong ito, gaya ko, na nasa isang relasyon, mahirap na hindi mapaniwalaang nahanap mo na nga. Hindi mahirap isipin na nahanap mo na at nahanap ka na.

"Pero minsan akala mo, nahanap mo na, pero iba pala, di pala yun ang hinahanap niya," dagdag ng aktor.

Bagamat single si Angel ngayon, optimistic pa rin ang dalaga na makikita rin niya ang lalaking "nakatakda" para sa kanya. "Isa siguro ’yan sa mga misteryo ng buhay natin. Di natin malalaman pa kung ’Ito na ba? Siya na ba?’ Basta naniniwala ako na darating yung pagkakataon na, ’Ay, ito na, ito na ’yung para sa akin!"

LOVE SCENE OF LIA AND MATEO. Usap-usapan ang love scene na kinunan sa pagitan nina Angel at John Lloyd para sa Imortal. Ayon sa mga bida, "maganda ’yong pagkakagawa, ’yong execution."


Ani John Lloyd tungkol sa naganap na love scene sa pagitan ng kanyang karakter na si Mateo ang karakter ni Angel na si Lia: "Hindi naman kailangang ibuhos yung nararamdaman if you’re making love to another person, kailangan lang i-recreate at na-recreate naman sa pamamagitan ng pagkakagawa ni Direk Jerry [Sineneng].

"We’re very happy about it dahil na-achieve ang gustong ma-achieve ng script, ng director, at namin [mga aktor]."


Dagdag pa ni Angel: "Tamang-tama po siya for TV talaga. Masaya naman kami sa napanood namin."

MATINDI PANG AKSYON SA SEASON TWO. Para naman sa kanilang fans na inaabangan ang mga fight scenes sa Imortal, ito ang patikim ni Angel: "Ako kasi, mahilig talaga ako sa fight scenes. Kaya nagpapasalamat kami kasi yung aming fight choreographer, nakatutok talaga siya sa bawat isa sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Madugo kung madugo talaga. Especially since yung mga tao, yun talaga ang gusto nila, yung mga fight scenes. Kaya tina-try namin sa bagong season na mas madaming umaatikabong labanan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN