Barbie Forteza goes dark in dramaserye Nita Negrita; Joshua Dionisio co-stars as proverbial white knight


"Anak po ako ng negro, pero ang nanay ko po Pilipina. Isang madugong make-up-an pero kakayanin naman po, tsaka kailangan ko rin pong mag-training ng gymnastics," says Barbie Forteza (left), who plays Nita in the new Kapuso dramaserye. Joshua Dionisio (right) is her leading man.


Tiyak na matutuwa na naman ang mga JoshBie fanatics dahil may bago na namang pagsasamahang show sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Last Tuesday, February 1, ginanap ang story conference ng pinakabagong TV series ng GMA-7, ang Nita Negrita.

Ayon kay Barbie sa taped interview ng Startalk TX na ipinalabas kahapon, February 5, gaganap siya dito bilang...

"Anak po ako ng negro, pero ang nanay ko po Pilipina. Isang madugong make-up-an pero kakayanin naman po, tsaka kailangan ko rin pong mag-training ng gymnastics."


Ilang successful TV shows na rin ang pinagsamahan ng dalawa; nape-pressure pa rin kaya sila kapag may bago silang project?

"Siyempre nape-pressure pa rin kami, siyempre marami kaming mga kasamang bigating artista, siyempre kailangang makisama kami, maki-cooperate para hindi mahirapan yung mga co-artists namin sa amin," ayon naman kay Joshua.

At dahil lagi silang magkasama, totoo nga bang madalas rin silang magkatampuhan?

"Yung mga asar-asaran, biruan lang po namin yun. Kasi po kapag yan naasar, asar talaga kaya dapat hinay-hinay lang," says Barbie of her loveteam.

Ayon naman kay Joshua, "Kapag nagtatampo ako, acting lang, kunwari lang."

Malapit na ang Valentine’s Day; may gift na kaya sila para sa isa’t-isa?

"Wala pa po," ang sabi ni Joshua na agad namang pabirong sinagot ni Barbie ng "Thank you!"

Patuloy pa ng young male star, "Nag-iisip pa ako, ang hirap mag-isip. Pero siyempre meron, meron palagi sa lahat ng occasion, meron naman talagang nakahanda lagi."

Last year ay relo ang Valentine gift ni Joshua kay Barbie.

"Hindi nga niya sinusuot, naghihintay ng bagong relo!"

"Ikaw naman buti alam mo," ang sagot naman ni Barbie sa pang-aasar ni Joshua.

Sa nalalapit na Valentine’s Day, abangan ang pagsisimula ng Nita Negrita sa Kapuso Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN