Cheryl Cosim’s Alagang Kapatid continues to extend a helping hand


Alagang Kapatid host Cheryl Cosim personally takes care of one of the less fortunate people being helped by the TV5 show.



PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Hindi lamang masaya ang TV5 sa pagbibigay ng mga natatanging programa kung hindi pati sa paghahandog ng tulong sa mga nangangailangan.

"Sa pamamagitan ng programa nitong Alagang Kapatid ay mas lalong nagpupursige ang istasyon upang magbigay-suporta at patuloy na tumulong sa ating mga Kapatid.

"Taglay ang kagandahan ng loob at malaking puso upang kumalinga sa mga nangangailangan, pinangungunahan ng host na si Cheryl Cosim ang grupo ng Alagang Kapatid para patuloy na maghandog ng medical assistance at iba pang tulong sa iba’t ibang lugar at magbigay ng nakatutuwang trivia para sa mga manonood.

"Ang Alagang Kapatid ay tumutupad sa misyon nitong tumugon sa mga simpleng kahilingan ng mga tao at aksyunan ang mga problema ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay assistance, health tips at rescue activities sa mga taong nangangailangan.

"Ma-inspire at hayaang madagdagan ng kulay ang iyong buhay dahil sa natatangi nitong episodes na kung saan matutunghayan ang mga nakakaantig-pusong eksena ng totoong drama ng buhay.

"Tunghayan ang host ng Alagang Kapatid at ang crew nito habang binibisita nila at dinidinig ang mga hinaing ng iba-ibang pamilya, indibidwal at komunidad.

"Ang dapat abangan sa Alagang Kapatid ngayong Sabado ay ang pag-rescue sa magkapatid na Esparago, na kapwa naghihirap sa isang malalang kundisyon, ang natatanging paghaharap ng isang fan at ng idolo nitong si Lucy Torres, ang community health mission sa Barangay 171 sa Caloocan, at ang mga ilang tips upang puksain ang nakakahiyang bad breath at ilang problema sa puso na natataon sa buwan ng pag-ibig.

"’Wag palampasing panoorin ang Alagang Kapatid at matutunan ang kahalagahan ng pagkalinga sa ibang tao lalo na sa mga nangangailangan. Abangan ito tuwing Sabado ng 6:00 am at Linggo ng 7:00 am sa Happy Network ng bansa, ang TV5!"

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN