Face to Face offers a Valentine Extravaganza this week


The cast of TV5’s Face to Face: (from left) Fr. Sonny Merida, Dr. Rose Llanes, Dr. Camille Caces-Garcia, Atty. Percida Acosta, Amy Perez, Hans Mortel, and Fr. Gerry Tapiador.



PRESS STATEMENT FROM TV5:


"Pagsapit ng 10:30 ng umaga, huwag palalampasin ang limang kwento ng pag-ibig na gugulantang ngayong linggo sa nag-iisang talak-serye sa TV, ang Face to Face. Mga totoong kwento ang aantig sa inyong mga puso sa Face to Face: Valentine Week Extravaganza sa TV5.

"Now showing na ang mga harapang hindi niyo pwedeng palampasin!

"Sa Lunes, romance-comedy na, suspense-drama pa ang matutunghayan sa kwento ng barumbadong misis at bugbog-saradong mister, "Ander de saya, sinaksak ng tigreng asawa?!"

"Bibida sa takilya ngayong Martes ang love triangle nina mister, misis at ang tomboy na kinakasama ni babae sa "Kapalit ng pera, sa tibo sumama?!"

"Sa Miyerkules naman, siguradong pag-uusapan ang mapait na kwento ni Chocolate. Nalingat lang sandali para bumili ng ampalaya, nasalisihan agad si Chocolate at naaktuhan si lalake na nakikipagtalik sa kabit sa episode na "Sa sariling kuwarto, si lover, huli sa akto?!"

"Ang walang kupas na isyu ng magbiyenang nagbabangayan ngayong Huwebes na! Kahit halos isang dekada nang nagsasama sina Bunso at Mutya ay hindi pa rin matanggap ng nanay ni mister ang misis ng anak. Hebigat na family drama ang hatid ng "Sagad sa buto, galit ng biyenan ko!"

"Sa Biyernes, aabangan ang kwento ng magkapatid na tinuhog ng iisang lalake. Walang kamalay-malay ang bading na si Jolan na ang kapatid na si Clarissa pa ang magiging karibal niya sa pag-ibig sa kinakasamang lalake. Pang-valentine finale ang episode na pinamagatang "Sigaw ni bading: jowa ko binuntis si utol ko!"

"Huwag magpapahuli sa mga kwentong daig pa ang pelikula at kahit anong palabas sa umaga sa Face to Face kasama sina Tiyang Amy Perez at ang Trio Tagapayo, Lunes hanggang Biyernes 10:30am sa TV5."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN