PBB girls just wanna have fun


Wendy Valdez (in photo) performs a song number for their guests: Beatriz Saw’s cousin Chim Kayanan, Gee-Ann Abrahan’s sister Guinevere Mariano and Wendy’s gay best friend Edward.


Matapos magsaya ng mga lalaking housemates noong nakaraang linggo, kasama ang tatlong Maxim Girls sa loob ng Maxim Bongbus, ay sumapit na rin ang pagkakataon ng mga babaeng housemates para magkaroon ng sariling kasiyahan.

Martes ng madaling araw nang maganap ang girls’ night out sa garden ng Pinoy Big Brother House kung saan nagsama-sama ang tatlong natitirang babaeng housemates na sina Wendy Valdez, Gee-Ann Abrahan, at Beatriz Saw.

Nagpalagay ng isang mini-bar si Kuya sa kanyang garden na may kasama pang half-naked waiters in silky boxer shorts na nagbibigay ng kanilang drinks para lalong mas maging exciting ang night out ng tatlong maria.

Kahit may isang misteryosong banda ng tumutugtog para sa mga kababaihan ay inutusan pa rin ni Big Brother ang tatlong housemates na maging mga reyna ng entablado.

Unang nagpamalas ng kanyang singing talent si Wendy, pero hindi rin naman nagpahuli sina Gee-Ann at Beatriz na humirit ng kantang I Will Survive.

Kung Maxim Girls ang nagpasaya sa night out ng mga lalaking housemates, mga espesyal na tao naman sa buhay ng mga girl housemates ang dumating para makisaya sa kanila.

Pinayagan ni Kuya na pumasok sa kanyang garden ang pinsan ni Beatriz na si Chim Kayanan, ang ate ni Gee-Ann na si Guinevere Mariano, at ang best friend ni Wendy na si Edward.

Ang akala ng mga babaeng housemates ay doon na natatapos ang surpresa ni Kuya hanggang sa lumabas ang mga boy housemates at nag-striptease showdown sa kanilang harapan!

Naghiyawan ang mga babae at ang kanilang mga bisita sa paggiling ng mga lalaking housemates na pasado na rin bilang mga sexy club dancers.

Abangan ang mga pagbabago na mangyayari sa Pinoy Big Brother Season 2 pagkatapos ng Which Star Are You From?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN