Barbie Forteza stars in her first afternoon drama, Nita Negrita


Barbie Forteza and Joshua Dionisio team up again for GMA-7’s new afternoon drama series Nita Negrita.


Ngayong February 14, Araw ng mga Puso, ang premiere episode ng pinakabagong afternoon soap ng Kapuso network na Nita Negrita.

Gumaganap na Antoinette o Nita Negrita, isang Filipino-African American na parating kinukutya dahil sa kanyang maitim na kulay, ang tween na si Barbie Forteza.

Dito ay masusubukan ang drama skills ng 2010 PMPC Best New Actress.

Masusundan ng mga manonood ang kuwento ni Nita na lumaki sa isang bahay-ampunan sa pangangalaga ng mabait na tagapamahalang si Nana Ima (Nova Villa). Ito ay matapos na mahiwalay sa kanyang ama noong siya’y nasa sinapupunan pa, at sa kanyang ina noong sanggol pa lamang.

Dito niya makikila si Misty, na ginagampanan naman ng isa pang tween na si Lexi Fernandez.

Magmulat’sapul ay magiging kaagaw at kontrabida na sa buhay ni Nita si Misty. Si Misty ay batang maganda na may hindi kagandahan na ugali. Isa sa mga kinaiinggit ni Misty kay Nita ay ang talento nito sa gymnastics.

Tila ba twist of fate, magkikita muli si Nita at ang kanyang ina na si Mirasol, ginagampanan ni Lotlot de Leon. Nagpasiya kasi siya at ang present niyang asawa na si Arturo (Zoren Legaspi) na mag-ampon ng bata.

Imbes na si Nita ang kunin ng asawa, si Misty ang kanilang napili dahil na din sa desisiyon ni Arturo.

Ilang taon ang nakalipas at muling bumalik ang mag-asawa sa bahay-ampunan. Dito ay inampon nila si Nita.

Dito na ulit nabuhay ang pagtutunggali ng dalawa para sa atensyon at pagmamahal ng kanilang mga magulang.

"Kinakabahan po ako, kasi hindi ko alam kung kakagatin ba ng audience yung istorya at yung bagong itsura ko, " ani Barbie nang siya ay makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Nita Negrita kamakailan sa 17th floor ng GMA Building, Quezon City.

Dagdag pa ni Barbie, "Talaga pong pinaghandaan ko ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaabot si Barbie ng isa’t kalahating oras sa paglalagay ng itim na makeup sa kanyang buong katawan. Bukod dito, kinailangan din niyang mag-aral ng gymnastics para sa karakter na kanyang ginagampanan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN