Kris Aquino returns to game show hosting via The Price is Right


Kris Aquino takes pride in being the first female to host The Price is Right. The pilot episode of the show aired on ABS-CBN on Valentine’s Day, coinciding with Kris’s birthday.


Nagkaroon ng triple celebration ang ABS-CBN kahapon, February 14, para sa Araw ng mga Puso. Ang pilot episode ng The Price Is Right ay tinapat sa Valentine’s Day na siyang kaarawan din ng host na si Kris Aquino.

Naka-bright red na cocktail gown si Kris sa pagsisimula ng kanyang bagong game show sa Kapamilya network. Ito ang kanyang pagbabalik sa game show hosting matapos ang kanyang pagiging parte ng Pilipinas Win na Win. Pinasikat na niya ang mga nakaraang game shows tulad ng Pilipinas: Game KNB? at Philippine edition ng Deal Or No Deal.

Ang longest running game show sa mundo ay narito na nga sa Pilipinas. Sa Amerika, si Bob Barker ang sumikat na nag-host nito for more than 30 years. Sa iba’t ibang bansa tulad ng United Kingdom, Australia, Japan, Indonesia, Morocco, at Mexico ay may iba’t ibang edition ito.

Ayon kay Kris: "This is one of the best birthday gifts I could ever receive!"

"I grew up watching this show, [kaya ang pagiging host nito ay] napakalaking honor."

May isa pang maaaring ipagmalaki si Kris sa kanyang bagong game show. "All over the world, ako lang ang babaeng nagho-host ng The Price Is Right," dagdag pa ng birthday girl.


Ang Amazing Race Asia season 4 champions na sina Rich Hardin at Rich Herrera ang nag-voice over para sa show na ito.

Giit pa ni Kris, "Dito, lahat ay may chance manalo!"


MECHANICS. Katulad ng original show, may apat na contestant na manghuhula ng presyo ng item sa entablado. Si Aldrin, isang nursing graduate, ang unang nanalo. Sa pamamagitan ng "1, 2, 3" game segment ay nanalo siya ng videoke microphone, LCD TV, at leather recliner.

Susunod naman ay nanalo si Miko sa game segment na "The Golden Road" ng adventure items na hydration bag at high-end shades.

Si Doreen naman, isang self-employed na dalaga, ay nanalo ng P20,000 sa "It’s In The Bag" segment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upang maka-advance sa next level ay kailangan mag-spin ng wheel ang mga contestant na nag-qualify. Ang pinakamalapit sa "100" ang papasok sa next round. Sa huli ay nag spin-off sina Aldrin at Doreen, kung saan pumatak sa eksaktong "100" ang wheel. Dahil dito ay nagkamit siya ng bonus na P5,000.

Ang grand showcase na maaaring mapanalunan ni Doreen ay isang pares ng white gold commitment bracelets, isang motorcycle, at isang kotse. Kailangan lang niyang mahulaan kung magkano ang actual total cost ng mga nasabing premyo nang hindi lalagpas sa P 20,000 ang diprensiya sa tamang kasagutan. Ngunit nag-over siya sa amount, na higit lang nang kaunti sa P1 milyon, at hindi niya ito nakamit. Sa pangkalahatan ay nakapag-uwi siya ng P 25,000.

Madami pang malalaking pa-premyo ang naghihintay sa mga susunod na sasali sa game show. Ayon nga kay Kris, ang kailangan lamang dito ay ang "tantiya skills."

|
Mapapanood ang The Price is Right araw-araw sa ganap ng 5:30 pm sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN