Meet Star Power finalist Akiko Solon


Nararamdaman daw ni Akiko Solon na tunay niyang ina si Sharon Cuneta, na host ng Star Power. "Nakakataba ng puso na parang Mama po talaga siya. Yung parang Mama po talaga siya. Hindi ko po ma-describe yung feeling pero masarap po talagang makasama si Mama Sharon," saad niya.


Ngayong Linggo ng gabi, February 20, ang finale ng Star Power, ang reality singing tilt ng ABS-CBN. Ang finalists nito ay sina Krissel Valdez, Monica Sacay, K-La Rivera, Akiko Solon, at Angeline Quinto.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Akiko, 17, sa isang presscon kamakailan sa ABS-CBN.

Para kay Akiko, malaking sakripisyo na mawalay sa kanyang pamilya sa Cebu para makasali sa Star Power. Kaya naman sila ang una niyang iniisip na tulungan kapag nanalo siya sa patimpalak.

Ngunit hindi lang raw pamilya ang iniisip ni Akiko sa pagsali sa Star Power. Nais niya rin daw tulungan ang mga kabataan sa kanilang lugar sa Cebu.

Paliwanag niya, "Gusto ko po sanang tulungan yung mga kabataan po na, tambay lang. Yung hindi pumapasok, yung minsan nga e, nakikita mo lang sa daan na walang ginagawa. Kung ano naman po, gagawin ko talaga lahat para hindi ko po silang makita na parang hopeless.

"Gusto ko po talaga na lahat ng kabataan may mari-reach naman po, kahit ganun po sila. Kahit mahirap sila, kahit na wala silang pera. Basta, gusto ko po talagang makatulong, lalo na po sa mga kabtaan ngayon na hirap po pagdating sa pera, pagdating po sa anong gagawin nila sa buhay."

Pasasalamat daw ito sa talentong ibinigay sa kanya ng Panginoon.

"Ako po, I’ll share whatever God told me. Gusto ko po ma-enhance kung anumang binigay ni God sa akin. At saka, yun nga po, kung may mga opportunities na dumating, puwede na. Gusto ko rin mag-try," saad niya.

Pakiramdam daw kasi ni Akiko, napakaraming pagbabagong nangyari sa kanyang buhay kaya naman gusto niyang mamahagi ng suwerte.

"May time po na ginising po nila ako kasi may tao po sa baba na gusto akong makita. Nakakakano po talaga na kahit ang layo po ng bahay nila, kahit hindi ko po sila kilala, pumunta pa sila ng bahay para magpakilala, magpa-picture. May mga tao palang nagmamahal sa ’yo, naa-appreciate yung ginagawa mo," kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN