Magtatapos na ang PBB Season 2 sa June 30


Naghahanda ang mga housemates para sa PBB House of Horror na ipapakita sa publiko sa June 15 simula 9 p.m. hanggang 12 midnight.


Ilang linggo na lamang ang bibilangin at malalaman na ng sambayanan ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Season 2.

Pero bago sumapit ang Big Night sa June 30 na magaganap sa Araneta Coliseum, ilang mga kaganapan muna ang dapat na pakaabangan ng mga manonood.

PBB House of Horror—ang pinaghahandaang weekly task na dadaan sa aktwal na pagsubok: papapasukin ang ilang volunteers sa loob ng PBB Activity Area at tatakutin sila ng mga housemates.

Sa weekly task na ito ay hindi na si Big Brother ang tatayong hurado kundi ang mismong mga volunteers na tatakutin ng mga housemates.

Sila ang magsasabi kung epektibo ba ang pananakot na ginawa ng mga housemates at kung panalo ba o hindi ang mga ito sa kanilang weekly task.

Sa mga gustong makibahagi sa task na ito, ipinapaalala lamang na ang first 200 participants, na may edad 8-50 years old, walang sakit sa puso o asthma, ang tanging papapasukin sa PBB Activity Area.

PBB Big Wedding—bibigyang-daan ng mga housemates ang pag-iisang- dibdib ng mag-partner na gustong makasal subalit walang sapat na savings para maisakatuparan ang kanilang dream wedding.

Maaaring ipadala ng mga gustong magpakasal ang kanilang love stories sa PBB at ang mapipiling kuwento ay magwawagi ng Big Wedding sa loob mismo ng Bahay ni Kuya.

Samantala, bukod sa 9th Eviction Night na magaganap ngayong June 16, magsisimula na rin sa gabing ’yon ang inaabangang Open Voting, kung saan wala nang magaganap na nominasyon at tanging dami ng boto na lamang para sa bawat natitirang housemates ang magiging basehan para sa mga susunod na eviction.

Sa June 23 (Saturday), June 26 (Tuesday), at June 28 (Thursday) ay magkakaroon ng Live Eviction sa Bahay ni Kuya na base rin sa Open Voting hanggang sa tuluyang matukoy ang Big Four na maglalaban-laban sa Araneta Coliseum sa June 30 (Saturday).

Accumulated Voting ang magiging proseso ng Open Voting, ibig sabihin ay iipunin ang botong makakalap ng bawat housemate mula June 17 hanggang sa Big Night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilang araw na lang at magaganap na ang Pinoy Big Brother Season 2 Big Night sa Araneta Coliseum, June 30.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN