Uma Khouny is "Mr. Intrigero" in PBB Season 2


Pumasok si Uma sa Bahay ni Kuya upang bigyan sila ng isang horror workshop bilang paghahanda sa House of Horrors na gagawin sa June 15 ng mga Pinoy Big Brother Season 2 housemates.


Na-starstruck ang mga housemates sa pagpasok ni Uma Khouny kahapon sa Big Brother House kaya’t halos ayaw tumigil ng mga ito sa pakikipag-kuwentuhan sa sikat na ex-housemate.

Pero sa halip na si Uma ang intrigahin ng mga housemates ay sila pa ang nabiktima nito!

Sinimulan ni Uma ang kanyang pang-o-okray sa mga loveteams sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Bagay ba kami ni Wendy?" tanong ni Bruce kay Uma. "Bagay kayo dito sa loob ng bahay," nakangiting sagot ni Uma sa kanya.

Para kay Uma, hindi dapat umasa ang mga housemates na matutuloy ang kanilang mga relasyon paglabas ng Big Brother House, pero naging defensive sina Wendy at Bruce sa komentong ito ng dating housemate.

Hindi rin nakatakas si Nel sa pang-iintriga ni Uma matapos sabihin ng huli na baka raw may gusto si Nel kay Bruce at nagseselos kay Wendy kaya niya ni-nominate ang malapit na kaibigan.

Matapos ang chikahan at intrigahan, pinag-usapan nila Nel at Wendy ang naging komento ni Uma kay "Mr. Perfect."

Hindi maayos na naipaliwanag ni Nel ang kanyang sarili sa haka-haka ni Uma pero bakas sa kanya ang pagka-inis sa nasabi ng binata tungkol sa kanya.

Matagalan kaya ni Nel ang pagiging prangka ni Uma? Magkaroon kaya ng tensyon sa pagitan ng mga housemates at ng intrigerong si Uma? Sundan sa Pinoy Big Brother Season 2 pagkatapos ng Which Star Are You From?.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN