Julia Montes and Kathryn Bernardo’s characters get kidnapped in Mara Clara


Mara Clara (starring Julia Montes and Kathryn Bernardo) registered a national TV rating of 38.7% last February 7, according to data from Kantar Media/TNS.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Pumalo ng 38.7% ang national TV rating ng Mara Clara noong Martes (February 7), ang pinakamataas na naitala ng nasabing teleserye, ayon sa Kantar Media/TNS. Ang kalabang Machete ay nagtala lang ng 15.1% national TV ratings.


"Samantala, sa mga susunod na tagpo, malalagay sa panganib ang buhay nina Mara (Kathryn Bernardo) at Clara (Julia Montes). Parehong makikidnap si Mara at Clara ngunit walang makakapansin sa party na nawawala na ang dalawa. Sa paglaon ng kwento, malalaman na si Gary (Jhong Hilario) pala ang pasimuno ng naturang kidnapping. Pupunta si Gary sa lugar na pinagdalhan ng mga nakidnap at ikagugulat nito ang pagkakasama ni Clara. Subalit hahayaan ni Gary na makulong rin si Clara kasama si Mara. Gagamitin din niya si Clara para lumaki ang ransom.


"Malalaman kaya ni Clara na ang pasimuno ng pangingidnap ay si Gary? Makakatakas kaya si Mara at si Clara? Alamin ang kasagutan ngayong linggo sa Mara Clara, Lunes hanggang Biyernes, sa ABS-CBN pagkatapos ng Mutya."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN