Ruffa Gutierrez returns to primetime via Mga Nagbabagang Bulaklak on TV5


"This is a story about power and fame. This is a story about young women who wanna become famous. It’s unique kasi hindi ko pa nakikita ang ganitong klaseng teleserye," says Ruffa Gutierrez about her upcoming dramaserye on TV5 titled Mga Nagbabagang Bulaklak.


Muling magbabalik sa pag-arte sa telebisyon si Ruffa Gutierrez sa pamamagitan ng TV5 drama series na Mga Nagbabagang Bulaklak. Ito ang ikalawang dramaserye ng Kapatid network matapos gawin ang Babaeng Hampaslupa.

Ayon sa Paparazzi host, kakaibang Ruffa Gutierrez naman ang makikita nila rito mula sa huli niyang ginampanang role sa I Love Betty La Fea ng ABS-CBN.

"I’m creating my own character for this. Hindi ko masabi na may eksaktong character ako na gusto kong tularan. Siguro, it’s a mix of Devil Wears Prada with a mix of Lipstick Jungle and Cashmere Mafia rolled into one," sabi ni Ruffa, na gaganap bilang isang producer and CEO ng isang major network.

Bukod sa bagong karakter, bago ang ipapakita niya sa programang ito. Dagdag pa niya, "Even ’yong look ko dito maiiba. Actually, hindi pa naayos ang look ko. But it’s gonna be different from my look sa I Love Betty La Fea. This is something different and I think ang character ko dito, ang weakness ko lang talaga is ’yong asawa ko, played by Richard Gomez."

Naibahagi rin ni Ruffa kung ano ang magiging plot ng bagong primetime series ng TV5. Aniya, "This is a story about power and fame. This is a story about young women who wanna become famous. It’s unique kasi hindi ko pa nakikita ang ganitong klaseng teleserye. Marami na tayong nakikitang teleserye, tuluy-tuloy na drama, may comedy, may wanna be singers or actors, pero wala pa talaga about who wanna be a dancer."

Joining Ruffa in this second dramaserye of TV5 are Richard Gomez, Phillip Salvador, Sheryl Cruz, and Valerie Concepcion.

NOT COMPETING WITH RICHARD’S CAPTAIN BARBELL. Masaya namang ibinalita ni Ruffa na may posibilidad na hindi magkakasabay ng airing date ang teleserye niya at ang Captain Barbell ng kapatid niyang si Richard Gutierrez sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit kahit magkasabay man, ayon kay Ruffa, hindi naman ito magiging problema sa kanilang magkapatid. Sabi pa niya, parte lamang ito ng kanilang trabaho.

Kuwento pa niya, "Kasi parang nagpa-panic na ’yong family and friends namin dahil same airing date ang Captain Barbell at saka Mga Nagbabagang Bulaklak, which in our family happens quite often, ’no?

"Magkatapat naman ang Showbiz Central atsaka Paparazzi. I remember in the beginning, nai-stress ako kung sino ang magre-rate ng mas mataas. Pero after one month, ngayon, parang wala. Whenever Raymond and I come home, ’O, ano ang mga balita sa show mo?’ Minsan hindi namin napapag-usapan. For us, it’s really work."

"Also I think, nangyari din dati na nagkatapat ang I Love Betty La Fea and Zorro for the last few minutes. So, gano’n kailangan na lang bumili ng mas maraming TV para mapanood lahat (laughs)."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN