Wildcard finalist for Talentadong Pinoy to be revealed this weekend


Raenny Yvan W. Santiago of Davao City, a.k.a. Beatbox Gor is one of the Talentadong Pinoy Hall of Famers that this Sunday’s Wildcard pick will have to challenge in the "Ultimate Battle of the Champions" show. The grand finals of TV5’s talent search will take place on March 12 and 13 in Antipolo.



PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Patuloy ang pag-arangkada sa primetime ng pinakamalaking talent show ng bayan, ang Talentadong Pinoy, at lalong nagiging mas kaabang-abang ang labanan ng mga natatanging talentado sa papalapit na "Ultimate Battle of the Champions" na gaganapin sa March 12 at 13 sa Ynares Center, Antipolo.

"Mas dapat pang tutukan ang Talentadong Pinoy dahil sa pagkilala ngayong Linggo, Marso 6, sa Wildcard finalist na siyang makikipagtagisan ng husay at talento sa walong naggagalingang Hall of Famers na kinabibilangan nina Beatbox Gor, Joseph the Artist, The Believers, Newborn Divas, Sfashiva, Zion Show, Fire Attraction at RR Friends.

"Paniguradong aabangan ng lahat kung sino ang mapipiling Wildcard finalist mula sa mga maglalaban-laban upang makaharap ang mga Hall of Famers.

"Mamangha sa mga hitik na pakulo ng mga Wildcard contestants na magpapasikat sa talent scouts at jury, makisabay sa pagpili kung sino nga ba talaga ang nararapat tanghaling Wildcard finalist na siyang hahamon sa walong Hall of Famers.

"Tumutok sa pinakamalaking talent show ng bayan, ang Talentadong Pinoy para sa nagsisiklabang bakbakan ng mga Wildcard contestants at lalong wag palampasin ang pagtatanghal ng nag-iisang Wildcard finalist na siyang kukumpleto sa listahan ng mga maglalaban-laban para sa Talentadong Pinoy "Ultimate Battle of the Champions."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN