Jessy Mendiola, AJ Perez and Joseph Marco gear up for last week of Sabel


Sabel’s lead stars (L-R) AJ Perez, Jessy Mendiola, and Joseph Marco (right), will be appearing in different projects in the future.


Next week na ang final week ng ABS-CBN teleserye na Sabel.

Kahapon, March 3, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong lead starts ng nasabing teleserye sa thanksgiving press conference na ginanap sa 14th floor ng ELJ Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

Ito ay sina Jessy Mendiola, at ang dalawang leading men niya na sina AJ Perez, at Joseph Marco.

Magkahalo ang nararamdaman ng tatlo sa nalalapit na patapos ng kanilang show.

Ano nga ba ang mami-miss nila sa isa’t-isa?

"Yung kakulitan nilang dalawa ’tsaka yung sweetness nila. Kasi kunwari lagi nila akong sina-save ng pagkain, parati nila akong sinasamahan. Tatanungin ko sila, ’Kumain na ba kayo?’ Sasabihin nila sa akin, ’Hindi pa hinihihintay ka namin.’ Maalaga lang talaga silang dalawa," ang sagot ni Jessy, na gumaganap bilang Sabel.

Pabiro naman ang sagot ng 21-year-old na si Joseph, na gumaganap bilang Raymond, "Ang mami-miss ko kay AJ ay yung pagiging pari niya kasi dun lang siya mabait, e."

Sumang-ayon ang tatlo na maraming naitulong ang Sabel sa kanilang pag-arte.

"Dito kami nahasa. Isa siyang malaking worshop on air at mas naging confident kami," sambit ni AJ.

Binunyag din ni Jessy ang mga nalaman niyang totoong ugali ng kanyang mga leading men.

"Si AJ very different sa totoong buhay. In real life, he is very funny, Pero sa Sabel po ang serious niya," sabi ni Jessy.

Isang pari ang role na ginagampanan dito ng miyembro ng Giggerboys.

"Tapos si Joseph, hindi po siya makabasag ng pinggan sa totoong buhay. Conservative po siya ng sobra," ang naging paglalarawan naman ng 18-year-old na aktres kay Joseph.

Medyo agresibo naman ang karakter na si Raymond, na siyang ginagampanan ni Joseph.

Panghuli, si Jessy na ang nagbigay ng pagkakaiba ni Sabel sa kanyang personalidad.

"Sobrang masayahin po ako, e. Si Sabel po kasi may pagkaseryoso," sabi ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na din naiwasan na matanong kung possible ba na ligawan ng dalawang binata si Jessy.

Ngumit si AJ at saka siya sumagot ng, "Siyempre, it’s hard not to like Jessy. She is very beautiful, napakatalino, napakagaling umarte. Para sa akin naman, I know that she is more focused on work. Same din we all have our own priorities."

Sumang-ayon din si Joseph sa sinabi ng co-star, "I must admit, na naging crush ko po si Jessy. She is very stunning talaga. As of now, gusto po namin mag-focus talaga. Pag dumating na yung time na yun, okay na lahat. Let’s see what’s gonna happen."

Bukod sa panliligaw nila sa co-star, ano pa ba ang dapat abangan sa nalalapit na patapos ng Sabel?

Ayon sa director nito na si Don Cuaresma, "Matindi ang magiging finale ng Sabel. Hindi nila malilimutan ang mga huling tagpo at sigurado ko na tatatak ito sa mga manonood. Pinaghandaan naming ito. Siyempre, isang magandang ending and dapat itapat sa isang magandang serye."

"Sobrang dami po ng mangyayari. Katulad nga ng sinabi ko ko kanina. Sobrang unpredictable po. Kung paano matatapos, yung teleserye, abangan niyo kasi sobrang pasabog ang mga mangyayari," ang sabi ni Jessy.

Sinegunadahan naman ito ni Joseph ng, "At abangan n’yo po ang pagtagas ng dugo sa Sabel!"

Mapapanood ang finale week ng Sabel, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Malparida sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN