Aiko Melendez plays the repentant sister of Dominic Ochoa’s character in MMK


Aiko Melendez makes a comeback on television via Maalaala Mo Kaya. She is cast as the sister of Dominic Ochoa’s character in this episode directed by Jeffrey Jeturian.


Award-winning director Jeffrey Jeturian directs tomorrow’s (March 5) episode of ABS-CBN’s long-running drama anthology show, Maalaala Mo Kaya (MMK). The episode stars Aiko Melendez and Dominic Ochoa, as estranged adult siblings, na masaklap ang naging karanasan noong bata pa sila, sanhi ng paghihiwalay ng kanilang mga magulang.

Sina Gardo Versoza at ang comebacking actress na si Almira Muhlach ang gumanap na parents ng magkapatid, na gagampanan ng child stars na sina Blanche Irish Neri (as Marivic) at Clarence Delgado (as Dindo). Ang adolescent siblings naman ay bibigyang buhay nina Ella Cruz (Marivic) and Aaron Junatas (Dindo).

Bumisita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng nasabing MMK episode, last February 25, sa Zamora, Pandacan, Manila. Unang araw ng taping nang kunan ang eksena ng pag-aaway at hiwalayan ng characters nina Gardo (as George) at Almira (as Myrna), involving their supposed kids, Clarence and Blanche. Si Clarence ang grand prize winner ng katatapos na Star Circle Quest for Kids at ito ang first big break niya bilang child actor.

Ito rin ang unang paglabas ni Almira Muhlach sa ABS-CBN. "How are you related to Aga [Muhlach]?" tanong daw ni Direk Jeffrey kay Almira nang una silang magkakilala bago sila mag-taping. Sagot naman ng actress, "He’s my half-brother."

Almira didn’t mind. "Hindi kasi niya ako kilala," sabi niya about her director. "Nung mga panahon na ’yon [early and mid-’90s], siguro, hindi pa siya ganyan ka-active."

In fact, Jeffrey Jeturian started directing movies in 1998, sa pamamagitan ng family drama na Sana, Pag-Ibig Na (starring the late Nida Blanca and Chinggoy Alonso, bilang mga parents nina Gerald Madrid, Julio Diaz at Pinky Amador). Si Angel Aquino, as co-lead actress, ang naging mistress ng daddy ni Gerald, na eventually ay na-in love kay Angel nang mamatay ang daddy niya na naka-affair nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang direktor, kumportable si Jeturian sa mga kuwentong tumatalakay sa mga ugnayang pampamilya, masaya man o masalimuot, as in Sana, Pag-Ibig Na (1998), Tuhog (2000) and Minsan Pa (2004). He is also adept at tackling gender and social issues like in the sex comedies, Bridal Shower (2003) and Bikini Open (2005); and social reality, as in Pila Balde (1999) and Kubrador (2006).

After doing Kubrador, na isa sa mga highly-acclaimed and multi-awarded (locally and internationally) indie films, Jeturian focused more on directing episodes for MMK, na siyang pinakamatagal at nakilalang drama anthology ng dekada ’90s at hanggang sa kasalukuyan.

Sa MMK din nai-direk ni Jeturian ang ilan sa mga institusyon sa industriya, tulad nina Susan Roces, Dolphy, Gloria Romero, Eddie Garcia; seasoned actors and actresses, like Tirso Cruz III, Gina Alajar, Gloria Diaz, Gabby Concepcion, Lorna Tolentino, Jaclyn Jose, Alan Paule, Dawn Zulueta, Gardo Versoza, Cherry Pie Picache; at mga kasalukuyang idolo, like Piolo Pascual, Bea Alonzo, Jericho Rosales, Anne Curtis, among many others.

Ayon kay Jeturian, "Si Aiko, naka-trabaho ko na dati, sa Maalaala..., at Pira-Pirasong Pangarap [isinahimpapawid sa PTV-4 at GMA-7]. Si Almira, ngayon lang. Magaling siya." Maganda rin ang tumatak na impression sa kanya ng mga batang artistang tulad nina Aaron, Ella, at Clarence, bilang mga aktor/aktres. Si Clarence, ang SCQ Kids winner, ay talent ngayon ng Star Magic at kasama sa kiddie gag show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit.

SIBLING RIVALRY. Typical na kuwento ng sibling rivalry ang topic ng episode ni Jeturian para sa latest MMK episode. "Tungkol sa magkapatid na nagkahiwalay, because the parents separated," kuwento niya sa PEP. "Yung batang lalaki [Clarence; later, si Aaron], napunta sa Tatay [Gardo]; yung batang babae [Blanche; later, si Ella], napunta sa Nanay [Almira]. Mayamang pamilya yung sa nanay, so yung batang babae ang lumaki sa mayamang pamilya.

"Yung batang pobre," patuloy ni Jeturian, "he sought out the sister, tapos, nu’ng nakita niya, inapi-api siya, hindi matanggap na kapatid siya. So, nagsumikap siya and he [Dominic, as the grown up Dindo] ended up as a successful school principal, or DepEd supervisor, mga ganun. Then, in one seminar, nakita niya dun yung kapatid niya [Aiko, as the grown-up Marivic]; nag-update sila [on each other’s lives]. This time, naghihikahos na ang babae, yung sister, and she asked for forgiveness sa kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang covered ages ng characters, 12 and 14 years old," pagtukoy pa ni Jeturian, kung kaya’t sina Aaron at Ella ang madalas na may eksena. Ang sa dalawang paslit, Clarence and Blanche, ay ilang makabagbag-damdaming eksenang sangkot ang masalimuot na ugnayan ng kanilang mga magulang, as portrayed by Gardo and Almira. In her brief appearance, Almira was so satisfied dahil maganda raw ang pagkakasulat ng character niya (by Joan Habana), na makabagbag-damdamin ang kinahantungan.

BISPERAS. Meanhile, kasabay ng kaabalahan ni Direk Jeturian sa MMK ay ang puspusan niyang pagtapos ng Bisperas, ang kanyang entry sa Directors’ Showcase category ng 7th edition ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Ayon sa line producer ng naturang indie film, si Krisma Fajardo, lampas na sa kalahati (50 percent) ng pelikula ang naisu-shoot ni Jeturian kasabay nito ang pag-e-edit ng film, by Lawrence Fajardo, na siya ring assistant director.

"Ang bida rito, yung ensemble cast, yung buong family," banggit din ni Jeturian. Kabilang sa malaking cast ng pelikula sina Tirso Cruz III at Racquel Villavicencio as the parents, at ang mga artistang sina Jennifer Sevilla, Julia Clarete at Edgar Allan Guzman bilang mga anak.

Ang kuwento ay tungkol sa isang magnanakaw na bumiktima sa pamilya, matapos nilang dumalo sa Christmas Eve mass. Mula ito sa panulat ng premyadong screenwriter na si Paul Sta. Ana, last year’s Cinemalaya Best Screenplay winner (New Breed category) for Mayohan.

MATERIAL FOR VILMA SANTOS. Na-delay ng isa hanggang tatlong taon ang supposed comeback film ni Jeffrey Jeturian. After Kubrador, nakatakda sana siyang gumawa noong 2008 ng isang gay film titled Parangal, na mula sa kuwento at script ni Bing Lao. May kalakihan ang production cost, ayon sa producer, Atty. Joji Alonso, kaya na-shelve ang project. This time, si Atty. Joji rin ang producer ng Bisperas.

Any immediate follow-up to Bisperas?

"Wala pa. Naghahanap pa ako ng material for Vilma Santos. Wala pa naman kaming pag-uusap [ni Gov. Vilma]; naririnig ko lang kay Mother Lily," sambit pa ni Direk Jeffrey, confirming talks na nakatakdang gumawa ng indie film si Vilma Santos, at siya ang magdidirek.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN