Is this Kathryn Bernardo’s final appearance on Mara Clara?


Kathryn Bernardo reportedly has a new project, which is why her character had to die.



PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:



"Isang malaking proyekto diumano ang gagawin ni Kathryn Bernardo kaya bigla siyang mamaalam sa Mara Clara. Sa kanyang murang edad, nakitaan na ng brilyo sa pag-arte si Kathryn. Hindi maitatangging epektibo ang kanyang pagganap bilang Mara. Napaluha niya ang inyong mga gabi sa mabibigat niyang mga eksena. Kaya naman hindi nakapagtataka na mabigyan siya ng mas malaking proyekto.


"Isang malaking pangyayari ang magbabago sa buhay ng mga Del Valle at David sa pagkawala ni Mara. Samantala, isang mabait at bagong Clara (Julia Montes) ang ating makikita. Pipilitin ni Clara na makuha ulit ang loob ni Elvira (Dimples Romana). May papasok kayang bagong tauhan na magpapahirap sa buhay ng mga Del Valle at David?


"Sino kaya ang magiging bagong kontrabida kung babait na si Clara?


"Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pangunguna ng Mara Clara sa ratings. Ayon sa Kantar Media /TNS, hindi pa rin natitinag sa unang puwesto ang kinababaliwang serye sa primetime. Pumalo ng 34% na national rating noong February 28 ang Mara Clara laban sa 17.1% lamang ng Machete ng GMA-7.


"Maki-iyak at samahan sila sa paghihinagpis sa pagpanaw ni Mara. Abangan at huwag palagpasin ang mga kapanapanabik na pangyayari sa pamilya ni Mara at Clara sa Mara Clara, pagkatapos ng Mutya sa ABS-CBN."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN