Eddie Garcia joins cast of Babaeng Hampaslupa as — you guessed it — a villain


Eddie Garcia will portray Edward Wong, a fearsome villain who returns from Hong Kong to wreak havoc on the lives of Helena See (Susan Roces), Anastacia See (Alice Dixson), and Grace Mallari (Alex Gonzaga) in TV5’s Babaeng Hampaslupa.


Ang beteranong aktor na si Eddie Garcia na ang bagong magpapahirap sa mga bida ng Babaeng Hampaslupa, ang primetime soap opera sa TV5.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Eddie kahapon, March 14, sa isang pocket presscon na ginanap sa Mario’s Restaurant sa Quezon City.

Ayon kay Eddie, maganda raw ang role niya bilang si Edward Wong. Siya ang magiging kontrabida sa buhay nina Helena See (Susan Roces), Anastacia See (Alice Dixson), at Grace Mallari (Alex Gonzaga).

"Ako yung elder brother ni George Wong, si Freddie Webb. At ang role ko dito e ako ang magpapahirap sa halos lahat ng characters sa buong show," pahayag ng 81-year-old character actor.

Pumasok ang karakter ni Eddie matapos mabaril ang karakter ni Freddie Webb.

"Maraming mga exciting moments na mangyayari diyan," dagdag niya.

Hindi pa raw alam ni Eddie kung ano ang itatakbo ng kanyang karakter, kaya natsa-challenge siya sa pagganap dito.

"Well, mahabang series ito kaya hindi mo masabi kung ano ang mga darating na highlights, e. Dahil yung script dumarating ’yan weekly. Hindi mo naman alam ang buong story ng show. Meron ka lang gist. Pero the actual script, weekly dumarating ’yan kaya dun mo pa lang makikita kung anong gagawin mo for the week," saad niya.

NO SHORTAGE OF ROLES. Katatapos lang ng role ni Eddie sa Koreana ng GMA-7, kaya masuwerte siya at may sumunod agad siyang soap opera.

Ayon kay Eddie, hindi naman kasi siya nahihirapan maghanap ng role kahit matanda na siya.

"Well, siyempre lahat ng mga soap, may lilitaw diyan para sa isang may edad na. ... Siyempre may lilitaw diyan na may lolo, tatay," paliwanag niya.

Hindi rin daw totoo na habang tumatanda ang artista ay unti-unting nawawalan ito ng trabaho.

"Meron naman, meron naman," ang sigurado niyang sagot.

Ang Babaeng Hampaslupa ay mapapanood sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN