The killer of George Wong will be revealed tomorrow on Babaeng Hampaslupa


Freddie Webb stars as George Wong in the TV5 drama series Babaeng Hampaslupa. The identity of his killer will be revealed in the March 18 episode of this TV5 teleserye.



PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Hindi dapat palagpasin ang episode ng Babaeng Hampaslupa ngayong gabi (Marso 18) dahil masasaksihan ang makatotohanang pag-aaway nina Bing Loyzaga at Alice Dixson bilang Katarina at Anastacia, na talagang ginawa nilang tunay na sampalan at suguran para maging natural at madamdamin ang eksena.

"Magaganap din ang pinakahihintay na rebelasyon sa kung sino talaga ang misteryosong bumaril kay George Wong (Freddie Webb). Kung nakihula ka at sumali sa text promo, manood ka na at malalaman mo kung tama ang naging sagot mo. Sa nakaraang episode ay hinuli na si William (Christian Vasquez), pero siya nga ba talaga ang bumaril kay George Wong?

"Naka-abang ang lahat sa mga susunod na magaganap sa Babaeng Hampaslupa, lalong-lalo na sa nananatiling misteryo sa katauhan ng bumaril kay George Wong (Freddie Webb), sa pamumukadkad ng samahan nina Charles (Jay Manalo) at Anastacia (Alice Dixson), sa napipintong paghihiganti ni Katarina (Bing Loyzaga), at sa mas tumitinding na paghaharap nina Helena See (Susan Roces) at Edward Wong (Eddie Garcia) upang madesisyunan ang kaso.

"Pakatutukan ang mas umiinit at umaatikabong eksena na paniguradong puno ng mga makapigil-hiningang kaganapan. Wag kaliligtaang panoorin ang kaabang-abang na mangyayari ngayong gabi sa Babaeng Hampaslupa, pagkatapos ng Willing Willie sa TV5!"

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN