Valerie Concepcion will heat up TV5’s primetime with Mga Nagbabagang Bulaklak


Valerie Concepcion brings life to Violet, a primadonna who becomes threatened by an emerging dancer who wants to replace her. TV5’s Mga Nagbabagang Bulaklak, which tackles the colorful world of showbiz, will start airing this Monday, March 21.


Matapos ang noontime variety show na Pilipinas Win na Win, medyo matagal na hindi nakita si Valerie Concepcion sa ABS-CBN. Huli natin siyang nakita sa Entertainment Live bilang guest host sa nasabing talk show. Buong akala ng lahat ay tuluy tuloy na ang pagiging host niya sa E-Live. Ngunit, halos isang buwan siyang hindi nakita sa Kapamilya Network kaya tanong tuloy ng lahat kung tuluyan na nga bang iiwan ni Valerie ang ABS-CBN.


Nakapanayam ng PEP si Valerie noong nakaraang Martes, ika-15 ng Marso sa Teatrino Greenhills, para sa TV5 teleserye na Nagbabagang Bulaklak kunsaan ay isa siya sa mga bida.


Tuluyan na nga ba niyang iiwan ang ABS-CBN at lilipat na sa TV5?


"No, hindi po, I’m a freelance artist po now. Wala naman po akong kontrata sa Dos. At di rin naman ako pumirma ng kontrata sa TV5. So kung saan po may project, go lang ako ng go! Nagpapasalamat nga ako at binigyan ako ng chance ng TV5 para sa teleserye nilang ito."


Ano ba ang magiging role mo sa teleseryeng ito? At balita naming magiging super daring ka sa teleseryeng ito at may kissing scene at love scene ka with Richard Gomez?


"Ako po rito si Violet, isang prima donna star ng sikat na variety show na natatakot malaos at mahigitan ng mga baguhang artista. Oo, totoong magpapaka daring ako rito at may kissing scene kami ni Richard Gomez sa teleseryeng ito. Basta panoorin n’yo na lang kung gaano ko ka daring sa teleseryeng ito."


Buti pumayag ka at ang manager mo na makipag kissing scene ka sa teleseryeng ito. At paano mo pinaghandaan ang kissing scene n’yo ni Richard Gomez?


"Yes, kasi, from the very start sinabi naman sa min ng manager ko na meron akong love scenes at kissing scene sa teleseryeng ito with Richard Gomez nung nalaman ng manager ko yun, pumayag naman yung manager ko. Okay lang naman din sa ’kin, basta may trabaho tayo. Choosy pa ba tayo eh Richard Gomez na yun. Pano naming pinaghandaan yung kissing scene, wala! Nung sinabing take, e, di take lang kami ni Richard. Paghahandang ginawa ko, wala lang nag gum lang ako...(sabay tawa!) "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Balita namin ay meron ka ring gagawin soap sa ABS-CBN? Hindi ba magkakaroon ng conflict na magkasabay yung taping mo sa dalawang soap na gagawin mo?


"Yes, gagawa rin po ako ng soap sa ABS pero bawal pa pong i-reveal kung ano po yung teleseryeng ito ng Dos na gagawin ko. Di naman siguro magkaka conflict kasi ang pagkakaalam ko, yung role ko rito sa teleserye ng TV5 ay sandali lang, I think for a month kaya pinayagan din ako ng ABS para sa teleseryeng ito ng TV5."


Totoo bang kinukuha ka ni Willie Revillame sa Willing Willie dahil nga naging part ka ng Wowowee before?


"Actually, di ko po alam yan. Wala namang nangyaring negotiation between my manager and yung production ng Willing Willie. Parang haka haka lang naman yata po yun. So hindi rin po totoong kinausap ako ni Kuya Willie na maging host ng Willing Willie."


Pag-usapan naman natin ang lovelife mo. Kamusta na kayo ng basketball player na si Dondon Hontiveros? Kelan ang kasal n’yo? Ok lang ba kay Fiona [anak ni Valerie] na kayo na ni Dondon?


"Ok naman kami ni Dondon. Tinanong niya nga ako bakit open na rin sa public na kami na. Siguro sa akin lang, e, ang tagal na rin, parang sa ’kin, wala rin namang ibang kapupuntahan, alam mo yun!


Naku! Kasal? Hindi ko alam! Ang daughter ko alam n’ya friend lang kami ni Dondon, kaya medyo mahabang paliwanagan pa, pero siyempre kailangan ko siyang i-prepare sa mga ganung bagay kasi ayaw ko rin na magulat siya. Pag kinakausap ko nga daughter ko ng ’paano ’yan mag-aasawa na si mama?’, sinasagot nya sa akin, ’it’s ok mommy but not with Kuya Don.’ Kasi siguro di pa sya siguro ready na magpakasal ako buti na lang di pa rin ako ready."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Gaano katagal na ba kayo ni Dondon?


"Actually kaya di rin ako nagsasalita for almost two years, kasi it was really complicated, e hindi ako nakikipag plastikan, we were complicated for two years. Kaya we were exclusively dating lang, walang title na ganun. Kaya siguro yung mga tao takang taka at nagtatanong nga kung kelan kami pakakasal kaya pinaninindigan naming talaga na we exclusively dating lang talaga, hanggang sa naging okay na nga at di na complicated, kaya inamin na rin namin na kami na."


Alam ba ni Dondon yung love scene at kissing scene na gagawin n’yo ni Richard Gomez dito? At ano ang naging reaksyon niya?


"Yes, alam ni Dondon, actually bumisita na siya sa set, right after ng kissing scene namin ni Richard. Sakto! Kinu kwento ng make up artist ko na sinabihan niya si Dondon na ’dito ka na lang muna ha, kasi bawal pang pumasok sa loob.’ Ayun nga, nung pauwi na kami sinabi ko rin sa kanya na, yung time na yun ay ginawa yung kissing scene naming ni Richard. Naintindihan niya naman yun kasi alam niyang trabaho lang."


Ayon kay Valerie, maging ang kanilang director na si Jon Red ay nagulat sa ginawa nilang steamy na love scene para sa teleserye na ito. Kinuwento rin ni Valerie na ang co-star niyang si Ruffa Gutierrez ay gustong malaman kung papayagan ng Movie and Television Review and Classification Board na ipalabas ang mapangahas na love scene nina Valerie at Richard Gomez.


Ang magiging ka-kompitensiya ni Valerie sa TV series na ito ay si Carla Humphries, na siyang gumaganap na isang backup dancer na gustong palitan si Valerie. Mayroon silang mga eksena na sampalan at pagsasabotage ng mga gamit.



(CLICK HERE to read related article)


Makikita dito sa Mga Nagbabagang Bulaklak ng TV5 ang kakaibang Valerie Concepcion dahil kasama niya ang mga baguhan na sina Arci Munoz at Ritz Azul sa pagpasok sa mundo ng pagsasayaw para sa isang TV network. Kasama rin nila dito sina Richard Gomez, Sheryl Cruz, Carla Humphries, James Blanco, Jay Aquitania, Victor Basa, Allan Paule, Jean Saburit, Mel Martinez, Luningning, Milagring, Mariposa at Ruffa Gutierrez, kasama si Phillip Salvador sa isang napaka espesyal na role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Mapapanood simula ngayong Lunes, March 21, sa TV5 ang primetime teleserye na Mga Nagbabagang Bulaklak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN