Jake Cuenca portrays real-life cancer patient in "Maalaala Mo Kaya" on June 22


Jake Cuenca will portray the life story of Air Force 2nd Lt. Ariel Toledo, who has been diagnosed with a form of liver cancer. The Maalaala Mo Kaya episode will be aired this Friday, June 22.


Halos 10 months pa lang simula nang lumipat sa ABS-CBN si Jake Cuenca from GMA-7, pero makokonsider niya raw na pinaka-most challenging role na ginampanan niya ang real-life story ni Air Force 2nd Lt. Ariel Toledo sa Maalaala Mo Kaya (MMK) this Friday, June 22.

Nang makausap nga ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Jake, naikuwento niya kung gaano siya ka-excited at naging sobrang malapit sa puso niya ang character na ginampanan. Para rin kay Jake, pinakamahirap, so far, among his characters na nagawa na niya. Physical, mental and emotional daw kasi ang sentro ng workshop niya for this Friday’s episode of MMK.

Ayon kay Jake, kakaiba raw talaga ang kuwento ni Ariel, na tulad niya ay nasa peak pa ng kabataan. "Sobrang rare case kasi ang nangyari sa kanya. Siya ang valedictorian sa class ng PMA batch 2006, pero, three months pa lang siyang nakakapag-work after niyang grumadweyt, na-diagnose na siya ng bile duct cancer."

Si 2nd Lt. Toledo ang valedictorian sa Mandirigmang Dangal ng Lahi (Mandala) class ng Philippine Military Academy noong isang taon. Ang kanyang sakit ay tinatawag na cholangio carcinoma, isang uri ng liver cancer na umaatake sa cells na nagpapalibot sa bile ducts.

Kay Jake rin nalaman ng PEP na ang naturang sakit ay isang rare case of cancer raw dahil hindi ito puwedeng makuha sa chemotherapy or any form of radiation. Surgery lang daw ang puwedeng remedy, pero, sa ibang bansa lang puwedeng gawin ang surgery at 40 percent lang din ang chance of survival. So far, wala itong choice kundi i-bear lang daw ang matinding pain dala ng naturang sakit.

FUND-RAISER FOR ARIEL. Kakaiba rin daw ang episode ngayong Biyernes ng MMK kaya wini-wish ni Jake na marami ang makapanood ng naturang episode.

"On my part, I gave my best naman. Although sa lahat naman ng ginagawa ko, I always try to give my best. Pero sa pagkakataong ito, I’m really praying na sana, nabigyan ko ng justice ‘yung character niya para ma-convince ko ang mga manonood na tumulong sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This Friday’s episode also serves as a fund-raising drive for Ariel Toledo. Bale, kapag nag-text, may percentage na mapupunta sa kanya para sa pina-planong surgery niya sa States."

Siya raw mismo ay personal na magdo-donate para makatulong dito. "Actually, after kong mabasa ang script, naisip ko na sana, maging mataas ang makuhang rating, pero, eventually, mas naging matimbang ‘yung sana, marami ang tumulong kay Ariel."

Isa sa preparasyon daw na ginawa niya for the MMK’s episode ay ang pagpapagupit ng kanyang long hair since hindi nga naman magiging makatotohanan sa isang PMA’er ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Nag-workshop daw siya prior to the taping at nag-training din kasama ang ilang PMA’ers sa Baguio.

Bagamat ilang soap opera na rin ang nagawa ni Jake, he really considers MMK as the biggest break sa kanyang acting. "Actually, ‘yung sa Sana Maulit Muli, akala ko, ‘yun na...pero, lahat halos ng ibinibigay na role sa akin sa ABS-CBN, parang akala ko, ‘yun na ang pinaka-challenging, pero, two months later, mas mahirap pa!

"I think, sobrang blessed ako na nabibigyan ako ng mga klase ng roles na nagagawa ko. And I think this MMK is the hardest thing I’ve ever done. Ibinuhos ko talaga ang sarili ko rito.

"Sa four days namin sa Baguio, hindi mo masasabing ako si Jake. Talagang inalis ko sa sarili ko kung sino si Jake."

Sa huli, walang gatol ngang sinabi ni Jake na para sa kanya, isang magandang desisyon talaga ang naging paglipat niya sa Kapamilya network from Kapuso.

"Sobra! Sobrang iba talaga! No regrets at saka, kahit nasa ABS-CBN na ako, nakakasama ko pa rin naman ang ibang mga kaibigan at dati kong naka-trabaho sa GMA-7. Like the other day, nag-shoot ako ng music video kasama si Roxanne [Guinoo] for Shamrock, si Direk Mark Reyes ang nag-direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag may time naman, nakakasama ko pa rin lumabas ‘yung mga taga-GMA like sina Dennis Trillo, Railey Valeroso and Chynna Ortaleza. So, sobrang walang regrets. Sana lang, kung anuman ang expectation nila sa akin, sana, ma-meet ko ‘yon," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN