Tina Somelic returns to Philippines for Pinoy Big Brother's Big Night


Slovenian Big Brother’s Tina Semolic will once again visit the Philippines for the Big Night of Pinoy Big Brother Season 2.


Natapos na ang first season ng Slovenian Big Brother last June 9. Ang half-Australian na si Andrei ang first grand winner.

Si Tina Somelic naman, na naging exchange housemate noon with Bruce Quebral, ay magbabalik sa Pilipinas at magiging isa sa mga guests sa Big Night ng Pinoy Big Brother Season 2 na gaganapin three weeks from now sa Araneta Coliseum.

Isang linggo ang itinagal ni Tina sa Bahay ni Kuya, kung saan nag-smoking Reyna Elena siya, miniskirted baton twirling majorette, and an addict of several Philippine specialities, including lechon and pancit—but not balot—pati na rin ang mangga at buko.

Bukod sa one million pesos in cash, tatanggap din ang PBB winner ng house and lot, kotse, at trip to Europe. Malamang na i-tie up ang pagpunta ng Big Winner sa Slovenia.

So far, pito na lang ang natitirang housemates: sina Wendy Valdez, Nel Rapiz, Gee-Ann Abrahan, Mickey Perz, Bea Saw, si Bruce, at ang anak ni Tirso Cruz III na si Bodie Cruz.

This week, isa ang matatanggal sa kanila. Next week, isa ulit. Sa last week of the season, bago mag-Big Night, dalawa pa ang matatanggal hanggang sa maging Big Four na lang ang housemates. The other three housemates who will be part of the Big Four, mananalo rin ng mga iba’t ibang trips here and abroad, bukod sa kanilang cash prizes.

Sa history ng Pinoy Big Brother, pawang mga kababaihan ang nananalo—sina Nene Tamayo sa first season, si Kim Chiu sa Teen Edition, at si Keanna Reeves sa Celebrity Edition.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN