Marian Rivera plays a vampire in GMA-7’s comedy-horror show Bampirella


Aside from starring in Bampirella, Marian Rivera is working on Amaya, an epic series about a warrior princess. "Ang Amaya ay perfect po para sa akin dahil walang magic-magic. Normal na taong nakikipaglaban, wala yung mga effects," she explains. In Bampirella, she will be paired with Mikael Daez (lower left frame) and Marc Abaya (right frame).


Naganap ang presscon ng Bampirella noong Monday night, March 21, sa 17th floor ng GMA Network. Ang Bampirella ang unang installment ng Spooky Nights, ang bagong comedy-horror show ng Kapuso Network na magdadala ng iba’t ibang kuwento ng katatawanan at katatakutan.

Pinangungunahan ni Marian Rivera ang Bampirella, na kuwento ng isang magandang babaeng nagngangalang Cindy. Siya ay sinumpa na maging bampira ng isang bruha, na ginagampanan ni Gelli de Belen. Sa araw, siya ay anyong pangit na babae, sa gabi ay magandang bampira naman. Makakawala lamang siyang sa sumpa kung mahahanap niya at sipsipin ang dugo ng kanyang one true love.

Kakaiba ito sa mga dati nang ginampanang mga role ni Marian, kabilang na ang pagiging superhero sa Darna, sirena sa Dyesebel, at misteryosong babae sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

"Nakakatuwa na bawat taon na nagdadaan ay iba’t ibang character [ang pino-portray ko.] For the first time naman ay bampira naman po ako," ani Marian. "Unlike yung mga napaka-seryosong kuwento ng mga bampira ngayon, ito ay nakakatawa."

"Nakaka-excite kasi si Ate Gelli, ngayon ko lang naka-trabaho. At least nagkaroon kami ng bonding ng [mga kasama ko]."

Ang mga leading men ni Marian sa TV series na ito ay sina Marc Abaya at Mikael Daez. Si Marc ay gaganap bilang Armand, isang rocker vampire na gustong maangkin si Cindy samantalang si Mikael ay si Michael, ang dentistang naga-apply na maging one true love ng bida. Ang real-life sweetheart naman ni Marian na si Dingdong Dantes ay ang ex-boyfriend ni Cindy na si Alfonso.

Unang TV show ito ni Mikael, at ayon sa actor, masaya siya sa naging trato ng kanyang mga katrabaho. "They have been very supportive and they helped me out. They made me feel very comfortable."



CURSED CHARACTER. Sa istorya ng Bampirella, si Cindy (Marian Rivera) ay nagtatrabaho sa isang chocolate factory at nasa ilalim siya ng factory manager na si Mitch (Gelli de Belen). Lingid sa kanyang kaalaman, isa palang masamang manghuhula si Mitch at ito ang nagsumpa sa kanya na maging pangit sa araw. Pagdating ng gabi, bumabalik ang kanyang ganda ngunit kasabay nito ay nagiging bampira siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang isang sinumpa, iisa lamang ang maaaring gawin ni Cindy upang maging normal na muli: ang hanapin ang kanyang tunay na pag-ibig. Kaya lang, kailangan niyang sipsipin ang dugo ng lalaki hanggang mawalan ito ng buhay.

Ano ang pipiliin niya? Ang kanyang sariling kapakanan o ang kapakanan ng kanyang minamahal? Iyan ang aabangan ng mga manonood sa horror-comedy na ito.

Kasama din sa cast sina Gladys Guevarra bilang Rosario, ang matalik na kaibigan ni Cindy; Ken De Leon bilang Angelina, at Jervi Li bilang Megan Pak, mga sidekick ni Mitch; at si Isabel Nesreen Frial bilang Eya, ang kapatid ni Cindy.

Ang Spooky Nights Presents: Bampirella ay mapapanood tuwing Sabado, bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA Sabado Star Power simula March 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN