Bea Alonzo will be seen on Eat Bulaga! this Monday


Vic Sotto welcomed Bea Alonzo when she visited the set of Eat Bulaga! She was joined by child stars Zaijian Jaranilla and Xyriel Manabat in GMA-7’s noontime show.


Mapapanood ang ABS-CBN star na si Bea Alonzo sa April 18 episode ng noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga. Pumunta si Bea para i-promote ang kanilang pelikula ni Vic Sotto na Pak! Pak! My Dr. Kwak!


Bukod sa pag-promote ng kanilang pelikula, sumali sa Bea sa popular na laro ng Eat Bulaga!, ang Pinoy Henyo. Di maitago ng Kapamilya star ang kaba niya habang nakasalang siya sa laro. "First time ko dito. Kinakabahan ako," ani Bea.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sumama sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat kay Bea sa pagbisita sa set ng Eat Bulaga!


Ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! ay co-produced ng Star Cinema at M-Zet Productions. Fourteen years na ang nakalipas nang huling gumawa ng pelikula si Vic under Star Cinema. At sa muling pagsasama ng dalawang kumpanya, natutuwa si Vic na naging maayos ang takbo ng proseso para mabuo ang pelikulang idinerehe ni Tony Reyes.


"Walang naging balakid doon sa mga pinag-usapan, sa mga naging plano, sa konsepto ng proyekto, acting, takbo ng istorya, playdate, at promo. Everything went smoothly. At ako’y natutuwa na ginawa ko ito," sabi ni Vic sa press conference ng pelikula na ginanap kamakailan.


Banggit pa ni Vic, ang pelikula ay proposal mula sa Star Cinema. Hindi raw niya mahindian ang magandang proposal na ito sa kanya.


"Originally, it was their proposal. Sila ang nag-alok sa akin if I want to do a movie na gano’n. Parang hindi ko kayang hindian dahil maganda ’yong project at wala namang problema sa ABS-CBN at Star Cinema."


Masayang-masaya naman si Bea sa bagong experience na ito para sa kanya. Kilala siya para sa kanyang mga drama-love story movies kaya medyo nanibago si Bea sa pagiging bida ng isang comedy film.


"Siyempre una, parang mas kinakabahan pa ako. Kasi sa drama, siyempre ’yon na ang comfort zone ko na, e, kasi ilang beses na ako nakagawa. Ito, hindi pa. Pero I just go with the flow. Kung ano na lang ang hinihingi ng character ko, hinihingi ni Direk [Tony Reyes],"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Hindi rin naman ipinagkaila ni Vic na bumilib siya sa kanyang napiling leading leady na si Bea Alonzo. Si Toni Gonzaga dapat ang magiging leading lady ni Vic sa pelikulang ito pero naging abala ito sa pagiging host ng noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey! Ayon kay Vic, masaya pa din siya na makatrabaho si Bea.


"Magaling na artista si Bea. She knows how to react to situations, lalo na sa ginagawa namin ni Direk Tony [Reyes], na more of a situational comedy. So, ’yong reaction is very important para mas effective ’yong eksena. At hindi naging problema kay Bea, magaling siyang artista."


At dahil sa magandang samahan ng mga artista ng dalawang magkalaban na network, tuwang-tuwa ang kanilang direktor na si Direk Tony Reyes. Binanggit din nito na ibang klaseng katatawanan ang makikita sa pelikula na ito nila Bea at Vic.


"Nagulat ako nung pinapanood ko sa pag-take na may chemistry si Bossing at saka si Bea! Proud pati ako kay Bea kasi she’s willing to do things out of her comfort zone, kaya kakaibang katatawanan ito!"


Ang ibang cast members ng pelikula ay sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Pokwang, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Joonie Gamboa, Jon Avila, Victor Basa, Johnny Revilla, Dexter Doria, and Paw Diaz with the special participation of Peque Gallaga, Anjo Yllana, Ms. Bella Flores and Joey de Leon.


Mapapanood ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! sa mga sinehan simula Black Saturday, April 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN