Iza Calzado is Cesar Montano’s leading lady in GMA-7’s upcoming sitcom Andres de Saya


Iza Calzado and Cesar Montano will be paired together in GMA-7’s upcoming weekly sitcom titled Andres de Saya.


Pagkatapos sumabak sa comedy genre para sa I Heart You Pare, mapapanood si Iza Calzado sa bagong sitcom ng GMA-7, ang Andres de Saya. Ang kanyang leading man sa palabas na ito ay si Cesar Montano.

Kilala sa kanyang mga drama roles, ang role na ito ay bago para kay Iza at inamin nito na kinakabahan siya. Pero ayon sa aktres, matagal na niyang hinihintay na mabigyan siya ng ganitong klase ng karakter.

"Medyo kinakabahan ako. I’ve been wanting to do comedy for such a long time, pero ngayon na nandito na parang, ’Uh-oh, anong gagawin ko?’ But I trust that my director will also guide me and that the script will also be very good," sabi ni Iza sa isang panayam sa kanya ng iGMA.tv.

Banggit pa ng aktres, ang karakter na kanyang gagampanan ay kaugali niya sa tunay na buhay. Off-cam, sinabi ni Iza na siya ay masayahin at kuwela.

"Maloko ako sa totoong buhay. Sabi ko nga, matagal na matagal ko nang gustong mag-comedy kasi hindi talaga ako serious. Serious ako on certain occasions, but most of the time I’m kengkoy. Or I’d like to think I’m kengkoy."

Masaya rin ang dalaga sa pagtatambal nila ni Cesar sa sitcom na ito. Matagal na niyang gusto na makatrabaho ang aktor at ngayon ay napagbigyan na siya.

"Masayang-masaya ako nang malaman ko na makakatrabaho ko si Kuya Buboy [palayaw ni Cesar], because I’ve been looking forward to working with him. It’s just di lang nangyari over the years. So finally, now we’ve been given an opportunity to work together and I’m glad na he’s okay when working with me."

Nanghinayang pa ang aktres dahil hindi sila magkakasama ni Cesar sa isang heavy drama na palabas tulad sana ng gusto niya. Pero ganun pa man, masaya pa rin siya dahil bagong experience ito para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He has a very big say as to who he’s going to work with, and siyempre I’m honored that I get to be his partner. Sayang it’s not a heavy drama, but this is something very refreshing for me kasi first time kong magsi-sitcom."

Ang sitcom na Andres de Saya ay nakatakdang ipalabas sa GMA-7 by May 2011. Ito ay patterned sa orihinal na komiks novel ni Carlo J. Caparas, at isinapelikula noong 1980 nina Vic Vargas at Gloria Diaz.


Si Iwa Moto ang magiging dahilan sa pagseselos ng karakter ni Iza na kasal na sa karakter ni Cesar. Ang iba pang cast members ng Kapuso show na ito ay sina Gloria Romero, Caridad Sanchez, Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, Chariz Solomon, Pekto at Jillian Ward.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN