Zaijian Jaranilla returns to television for Wansapanataym


In Wansapanataym, Zaijian Jaranilla portrays a young boy who is often bullied. What will happen when the roles are reversed magically?


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Malamang ay maraming naka-miss sa miracle boy na si Zaijian Jaranilla. Ngayong Sabado, mapapanood muli si Zaijian sa telebisyon sa kanyang pagganap bilang Elmer sa Wansapanataym.

"Nakakatuwa po yung karakter ko dito," saad ni Zaijian. "Normal po ako na bata dito [laughs] pero madalas na inaasar," dagdag ng batang aktor.

"Ang kuwento ng Wansapanataym sa Sabado ay iikot kay Elmer. Si Elmer ay madalas asarin ni Boyong. Isang araw, may naawa kay Elmer na matandang babae na may kakaibang kapangyarihan. Ginawang maliit at lampang bata si Boyong. Sa nangyaring ito, nagkabalilktad na ang sitwasyon kaya naman nakagaganti na si Elmer kay Boyong. Tuluyan na bang magiging bully si Elmer?

"Nang tanungin si Zaijian kung mapangasar ba siyang bata, agad na sagot ng miracle boy ay "Hindi po! Mapagbiro po minsan pero di po ako bully."

"Abangan ang pagbabalik ni Zaijian sa telebisyon at ang cute na kuwento na hatid ng Wansapanataym ngayong Sabado sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN