Mark Herras, 21, shares lead with 15-year-old Alynna Asistio in new soap


"Naaalangan ako," admits 21-year-old Mark Herras upon learning that his new leading lady is 15-year-old Alynna Asistio.


After I Luv NY, ngayon pa lang magbabalik sa primetime television ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor na si Mark Herras. Kasama si Mark sa cast ng Mga Mata Ni Angelita, ang papalit sa Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel Locsin na magtatapos ngayong buwan.

Ang Mga Mata ni Angelita rin ang unang primetime soap ni Mark na hindi si Jennylyn Mercado ang ka-partner niya. Si Alynna Asistio ang magiging love interest niya sa naturang soap.

Magtu-twenty-two years old na si Mark this December, samantalang si Alynna naman ay kapi-fifteen pa lang. Alynna, daughter of Nadia Montenegro and Boy Asistio, was introduced sa Who’s Your Daddy Now?, kung saan siya ang gumaganap na bagets na naghahanap ng ama.

"Naaalangan ako," sabi ni Mark sa PEP (Philippine Entertainment Portal) noong June 18, sa Station 168 Internet Cafe, a day before their first taping day for Mga Mata ni Angelita.

We asked Mark kung sigurado siyang sila ni Alynna ang magka-partner. Ito raw kasi ang sinabi sa story conference ng naturang soap opera last week.

"Sa story kasi, 18 lang ako. Siya [Alynna] naman, baka patandain ng isang taon, 16. Pero kahit na," sabi ni Mark.

Biniro namin si Mark na baka pati si Alynna ay maintriga sa kanya, just like all his leading ladies from Pauleen Luna to Jackie Rice to Ryza Cenon.

"Naku, hindi, ang bata nun!" sambit niya.

Sa pagkakaalam namin, kasi-sixteen lang din ni Jackie, who was just fourteen when she won as StarStruck Female Survivor last year, at hindi pa rin nagdi-debut si Ryza, who became StarStruck Female Survivor two years ago naman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN