PBB housemate Bodie Cruz dives in Hundred Islands for wedding rings


Bodie Cruz (in photo) was successful in diving for the wedding rings to be used by Jason, a leg amputee, and his fiancée Elvie of Cagayan de Oro.


Maluwalhating nakabalik ang Pinoy Big Brother Season 2 housemate na si Bodie Cruz sa bahay ni Kuya ilang oras bago ang 24-hour limit na ibinigay sa kanya para hindi siya ma-forced eviction. Tinupad ni Bodie ang mahirap na task ni Kuya na kapag nagkamali siya ay pwedeng hindi na siya makabalik at ma-forced eviction na nga siya.

Napanood ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 24/7 noong Wednesday evening, June 20, at ang task ni Kuya ay kukunin ng lalaking housemate ang wedding rings na gagamitin ng ipakakasal nila sa loob ng bahay ni Kuya na sina Elvie at Jason. Hindi madali ang task dahil ang housemate ay magbibiyahe pa ng 5 hours papunta sa location. Binigyan siya ng 14 hours para mag-dive at sumisid sa ilalim ng dagat at hanapin among the corals ang dalawang wedding rings at muli siyang magbibiyahe pabalik sa bahay ni Kuya ng 5 hours din.

Nag-usap ang mga housemates na sina Mickey, Bruce, Nel, Bodie, Wendy, Gee-Ann, at Bea kung sino ang dapat gumawa ng task. Ayaw ni Bruce na lumabas dahil hindi raw niya pwedeng iwanan si Wendy na that time ay nakikipag-away kina Bea at Gee-Ann. Nagalit din si Wendy kay Bruce dahil ang akala niya ay gusto ni Bruce na siya ang lalabas, bakit daw nagdesisyon ito nang hindi muna siya kinunsulta dahil hindi raw siya papayag na lumabas si Bruce at baka hindi na ito makabalik. Ayaw din ni Nel na muling lumabas, baka raw hindi na siya makabalik. Sina Mickey, Gee-Ann at Bea, gusto nilang si Bodie ang gumawa ng task dahil alam nilang kakayanin ito ni Bodie at alam daw nilang makababalik ito on time.

Gusto rin ni Bodie dahil first time niyang gagawin iyon, hindi pa kasi siya nakapag-dive at nakasisid sa dagat pero mahusay siyang lumangoy. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin at kung makababalik siya on time. Around 4 a.m. ng June 21 sila ginising ni Kuya at nagpaalam na si Bodie sa lahat ng co-housemates niya at maluwag daw sa loob niya kung hindi siya makababalik on time, what’s important, ang makuha niya ang wedding rings para may magamit sina Elvie at Jason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Hundred Islands sa Pangasinan dinala si Bodie. Maaaring ngayong gabi mapapanood ito, pero ang kuwento ni Bodie, nag-enjoy siya sa pagsisid niya (provided siya ng diving gears) sa ilalim ng dagat at sa magagandang isdang kasabay niyang lumalangoy, iyong isa raw ay nakatingin pa sa kanya. Sayang daw na hindi niya kasama ang mga co-housemates niya para na-experience din nila ang kakaibang experience na iyon. Tantiya ni Bodie, mga four hours siyang sumisid bago niya nakuha among the corals, magkahiwalay, ang dalawang wedding rings.

Kaya mas maaga si Bodie na nakabalik sa bahay ni Kuya, pero hindi muna siya pinapasok sa kanilang bedroom, pinagpahinga muna siya sa secret room na minsan na rin niyang tinirahan bago siya tuluyang nakapasok noon sa bahay. Hinintay naman nina Bruce, Mickey at Nel ang pagbalik ni Bodie kaya halos wala rin silang tulog, tuwang-tuwa nilang sinalubong ang pagbabalik ni Bodie.

Bukas, June 23, ang wedding nina Elvie at Jason, na gaganapin sa activity center at lahat ng paghahanda sa wedding ay ginawa ng mga housemates.

Bukas na rin ng gabi ang 10th eviction night at kung sino kina Mickey, Bodie, Bruce, Nel, Wendy, Bea at Gee-Ann ang makakakuha ng lowest text votes, ay siyang mai-evict. Ang susunod na eviction ay sa Tuesday, June 26, at ang last eviction ay sa Thursday, June 28, at ang matitirang Big 4 ang maglalaban-laban sa Big Night na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Saturday, June 30, at live na mapapanood sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN