Pokwang will join Happy Yipee Yehey starting this Saturday


Mariel Rodriguez says about the new Happy Yipee Yehey host, Pokwang (in photo): "Kailangan talaga natin siyang lahat, because she is performer. She was made for this. Pinanganak siya talaga para sa noontime show. Yung energy level niya kakaiba talaga."


Tuluy na tuloy na ang pagbabalik ni Pokwang sa noontime show ng ABS-CBN. Noong December 31, kabilang si Pokwang sa mga co-hosts na nagpaalam sa dating noontime show na Pilipinas Win na Win.


Matapos ang limang buwan, mapapanood uli si Pokwang tuwing tanghali para sa Kapamilya noontime show na Happy Yipee Yehey.


Simula ngayong Sabado, May 7, makakasama na ang komedyana sa iba pang hosts na sina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, Bianca Manalo, Matteo Guidicelli, Melai Cantiveros, John Prats, Bentong at Kuya Jobert. Kinuha ng PEP.ph ang reaksyon ng ilan sa mga makakasama ni Pokwang sa naturang noontime show.

Heto ang kanilang pahayag nila tungkol sa pagpasok ni Pokwang:

MARIEL RODRIGUEZ:


"Actually nung binubuo pa lang itong Happy Yipee Yehey, tinanong ko agad si Tito Boy Abunda na manager ko...’How about Pokie? What she is going to do?’


"Sabi naman sa kin ni Tito Boy, ’Mariel, Pokie, is managed by the network kaya wala kang dapat ipag-alala sa kanya.’ I suggested pa nga before kina Mr. M [Johnny Manahan], Tita Linggit [Tan], Direk Bobot [Mortiz] na pagsamahin kami dito sa HYY. Kasi sabi ko we have good tandem naman. Talagang tinatanung ko sa kanila lahat na ’How about Pokwang?’ Kailangan talaga natin siyang lahat, because she is performer. She was made for this. Pinanganak siya talaga para sa noontime show. Yung energy level niya kakaiba talaga. May mga komedyante talaga na magaling magpatawa sa taping, sa movie, iba yung pagiging spontaneous ni Pokwang.


"Siguro binigyan lang ng time na ipasok uli si Pokwang sa noontime show kasi masyado siyang na identify sa mga dating noontime show. Lalo na bumangko siya dun sa Pilipinas Win na Win, di ba? Parang magiging ganun uli kaya maybe pinagpahinga muna siya. For me, iba talaga yung maidadagdag na saya ni Pokwang sa show pagdating niya. Kaya nung nalaman kong makakasama na namin si Pokwang sa HYY, maraming mga ’kung.’


"Ti-next ko nga sya, sabi ko sa kanya, meron kang alam na di mo pa sinasabi? Sabi nya, ’Sandali nga, wala pa nga, e, sabi nila, me mga naririnig na nga rin ako, pero wala pa.’ Ginaganyan niya ko. Kaya nung finally, sinabi na nga ni Tita Linggit, sobra kong saya na makakasama na naming si Pokwang sa show namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BIANCA MANALO:


"Sobrang saya! Kasi sa tuwing magkikita kami ni Mama Pokwang, kung ano man tawag ko sa kanya Mama or Nanay, nag-aasaran kami nun palage. So, eto na everyday na kaming puwedeng magharutan. Sobrang saya kasi kung meron kaming Melai ngayon tapos madadagdagan pa ng isang Pokwang. Ganun po magiging masaya ang Happy Yipee Yehey. Kaya mga kapamilya abangan n’yo po si Pokwang na makakasama na namin bilang bagong kapamilya ng Happy Yipee Yehey."


RANDY SANTIAGO:


"Siyempre, masayang masaya, unang una nakasama ko na ’yan for the longest time. She started sa isang sitcom, ako yung nagdidirek ng Aalog-alog, so artista ko si Pokwang noon. Pagkatapos sa mga TFC shows, siya yung lagi kong kasama. Tapos ngayon na makakasama ko siya dito sa Happy Yipee Yehey, siyempre masayang masaya ko. Talagang gel na gel kami ni Pokie. Pero ang importante ay additional na saya siya sa pamilya ng Happy Yipee Yehey at lalo naming mapapasaya ang mga manonood.


"Malaki maiko-contribute ni Pokwang sa show ng HYY. Mukha pa lang niya malaking contribution na para lalong makapagpasaya sa mga manonood, e, kahit na hindi magsalita. Alam n’yo naman yung kalokohan ni Pokie, di ba, na siya lang puwedeng gumawa nun. Di ko naman puwedeng maglagay ng Barko sa ulo, di ba, so si Pokie lang ang nakakagawa nun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN