Ang Bagong Laban: The Pacquiao-Mosley Primer to be aired on GMA-7 this Sunday


Chino Trinidad will discuss the rigorous training done by Manny Pacquiao (left) and "Sugar" Shane Mosley (right) for their upcoming boxing match. Ang Bagong Laban: The Pacquiao-Mosley Primer will be aired on GMA-7 from 9 am to 10 am this Sunday.


PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

"Ngayong Linggo, May 7, ihahatid ng GMA Network ang all encompassing primer hinggil sa pinaka-abangang laban nina Filipino boxing pride at world’s best pound-for-pound fighter Manny "Pacman" Pacquiao at California-based boxing titlist "Sugar" Shane Mosley.

"Sa Pacquiao-Mosley primer na may pamagat na Ang Bagong Laban: The Pacquiao-Mosley Primer, bubusisiin ni GMA Sports Saksi Chino Trinidad ang matinding ensayong pinagdaanan ng dalawang boxer para sa boxing bout na gaganapin live sa May 8 (Philippine time zone) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

"Sa nasabing GMA News and Public Affairs TV special, metikulosong ilalahad ni Trinidad ang isang insider’s view na kinalap mula sa kanyang paglalakbay kasama si Pacquiao na dedepensahan ang kanyang WBO Welterweight Championship laban kay Mosley. Ani four-time trainer of the year Freddie Roach, Pacquiao ’has never looked better in training.’

"Si Pacquiao, ang tinuturing na pinakamatagumpay na Asian-born athlete na naihanay ang boxing sa mainstream sports, ay inaasahang magpapatumba sa ’sugar’ ni Mosley. Sa darating na laban, si Pacquiao ang defending titlist sa 147-pound category na kanyang pinanalo laban kay Puerto Rican Miguel Cotto noong 2009.

"Makayanan kaya ni Mosley ang bilis at lakas ng kamao ni Pacquiao? Sino kaya sa dalawa ang mas kinikilingan ng mga fan at boxing expert? Muli kayang makapagdagdag si Pacquiao ng isa pang highlight sa kasaysayan ng palakasang Pilipino?

"Sundan ngayong Linggo ang Ang Bagong Laban: The Pacquiao-Mosley Primer na magtatahi ng pinakabagong boxing updates with exclusive interviews at footage na mula pa sa Los Angeles at Las Vegas. Ang special ay eere bilang prelude sa wild card match mula 9AM hanggang 10AM sa GMA-7."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN