Abner Delina enjoys being Kuya Fidel, the storyteller on Batibot


Theater actor Abner Delina appears on Batibot as a storyteller named Kuya Fidel. This children’s show airs every Saturday on TV5 at 8:30 am with 3-5 minute shorts on weekdays at 9:00 am and 2:55 pm.


Naging bahagi noon ng buhay ng halos lahat ng bata ang programang Batibot na unang napanood noon sa RPN 9 kung saan minahal at sinubaybayan natin ang karakter nina Ate Shena, Kuya Bodjie, Manang Bola, Irma, Daldal, Kapitan Basa at iba pa.

Masasabing isa sa mga naunang children’s educational program na talagang tinangkilik ng publiko, ito nga siguro ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang TV na muling isa-telebisyon ang Batibot.


Nawala man ang ibang karakter tulad nila Irma Daldal, Pong Pagong at Kiko Matsing, pumasok ang bagong karakter nina Ate Maya, na ginagampanan ni Kakki Teodoro at Kuya Fidel, papel na ginagampanan naman ni Abner Delina.


Sa nakaraang press launch ng Season 2 ng Batibot last Wednesday sa Fun Ranch, Pasig, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Abner (Kuya Fidel) kung may matindi bang pressure sa nila dahil ang mga karakter na pinalitan nila ay mga karakter na minahal at sinuportahan talaga noon ng tao.


"Nandun yung pressure pero ang ikinatuwa ko kasi, ito yung advocacy ko, yung children’s education and creativity kaya di ko siya nakikita as pressure. Sa halip tinitingnan ko siya as an opportunity to tell stories, makatulong sa paghuibog ng kaisipan ng mga bata, things like that."


"Mapalad din ako na nakatrabaho ko si Kuya Bodjie bago ko pa nalaman na natanggap ako sa Batibot. Sa play na Ang Post Office, nakasama ko siya dun, ang role niya ay parang storyteller habang ako naman yung batang sobrang naniniwala sa kanya."


"Nung sinabi sa akin ni Teacher Fely, nagulat ako, natuwa, kinabahan. Sinabi ko kay Kuya Bodjie kasi magkakilala na kami before, medyo naging magkaibigan na rin kami. [Sabi ko sa kanya], ’Kuya Bodjie, gagampanan ko po yung papel na ginawa ninyo.’ Ang sagot naman niya sa akin, ’Maganda yun, kayang-kaya mo yun.’ Dun ako nakakuha ng encouragement. Pag may oras, nakakapag-usap kami, binabalitaan ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha na rin namin ang pagkakataon na ito upang tanungin si Abner ng background niya at kung paano ba siya napasok sa teatro.


"Galing ako ng Negros, northern part. Ako’y naging scholar ng Theater Arts sa Philippine National for The Arts. Nung college pinalad na magkaroon ng scholarship sa De La Salle of St. Benilde, nag-aral ako dun ng Arts Management.

"Nung college nagsimula ang professional career ko. Ang pinakamahabang nagawa ko ay Batang Rizal at Mga Kuwento ni Lola Basyang kung kaya’t sanay na sanay akong makatrabaho, makasama ang mga bata. Kadalasan din nagtuturo ako ng teatro para sa mga bata, nakapunta ako ng Palawan, bumalik ako ng Negros para magturo."

Tulad ng iba, sumailalim din ng audition si Abner bago niya nakuha ang role bilang Kuya Fidel.


"Nagtawag sila ng audition, sinabi sa akin ni Ms. Peng ng PETA. Although guest artist lang ako, siya ang nagrekomenda sa akin tapos pinalad akong matanggap bilang Kuya Fidel."

Agad naming tinanong si Abner kung ano ba ang dapat abangan sa Season 2 ng Batibot na mapapanood every Saturday sa TV5 at 8:30 am with 3-5 minute shorts on weekdays at 9:00 am and 2:55 pm.


"Mas mabilis, mas maganda para sa mga bata kasi kinakailangang malaman natin kung ano ang nagwo-work sa kanila at ano ang hindi. Iba na ang mga kabataan ngayon, iba na ang mga pangangailangan nila kaya kailangang alam natin yun. Maaring sa paraan ng animation, sa mga kuwento, sa bilis ng takbo ng editing, maaring sa characters na i-introduce namin.


"Sa akin naman bilang Kuya Fidel, sa mga kuwento, makikilala nila ako bilang tagapagsalaysay ng mga kuwento."

Aminado si Abner na isa siya sa mga kabataan na natuto dahil sa panonood ng Batibot. "Naging parte siya ng kabataan ko. Lahat ng iba pang mga dulang pangtelebisiyon pero ang Batibot siyempre."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang bahagi ng children’s educational program na ito, napakaimportante sa parte nila Abner na pangalagaan ang magandang imahe na dapat tularan ng mga bata sa kanila.


"Sa katunayan, isa sa mga dahilan kung bakit ko siya tinanggap ay dahil gusto kong mapunta ako sa tamang landas. Ito rin ang ginagawa at pinaniniwalaan ko para sa sining at edukasyon kaya di ako natatakot. May kasabihan nga, kung nabubuhay ka sa totoo, wala kang dapat ikatakot. Mapalad kami kay Teacher Fely dahil nauunawaan niya yung pangangailangan namin bilang aktor, naniniwala siya na bata pa kami at marami pa kaming dapat gawin basta nandun pa rin within social responsibility."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN