Louise de los Reyes’ telefantasya Alakdana airs finale this Friday


Will the characters of Alden Richards and Louise de los Reyes in Alakdana have their own happy ending?


PRESS STATEMENT FROM GMA-7:

"Isang kahindik-hindik na finale ang inihanda ng GMA-7 para sa high-rating afternoon drama Alakdana.

"Sa mga nalalabing araw, matutunghayan ng mga manonood ang isa pang naiibang alakdan, ang ’alakdang bato,’ na siyang magpapaigting sa aksyon at drama sa series.

"Ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng alakdan kung kaya mag-uunahan sina Adana (Louise de los Reyes) at Zoila (Jobelle Salvador) sa pagkuha rito.

"Hangad ni Zoila na gamitin ang ’alakdang bato’ upang mapatay si Adana. Nais naman ni Adana na gamitin ang naturang alakdan upang wakasan na ang kanyang sumpa.

"Sino kaya ang mauuna sa ’alakdang bato’? May pag-asa pa kayang mawala ang sumpa ni Adana at matahimik siya sa piling ng inang si Teresa (Jean Garcia)?

"Matatanggap pa ba ni Billy (Paulo Avelino) ang isinumpang babaeng alakdan o mauuwi na lamang si Adana sa matalik na kaibigang si Joma (Alden Richards)?

"Abangan ang maaksyon at madamdaming pagwawakas ng kuwentong ito tungkol sa isang makamandag na sumpa at sa wagas na pagmamahal.

"Panoorin ang finale ng Alakdana ngayong Biyernes (Mayo 13), pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA-7."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN