Phil Younghusband will reveal details about his lovelife in The Bottomline with Boy Abunda


Azkals football player Phil Younghusband will be the guest in the May 14 episode of The Bottomline with Boy Abunda.


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Ngayong Sabado, May 14, sa The Bottomline with Boy Abunda, kilalanin ang Team Azkal’s football superstar na si Phil Younghusband. Buong puso niyang ibabahagi ang kanyang kuwento at kung paano niya nakahiligan ang larong football. Dahil sa impluwensiya ng kanyang ama na Briton, at suporta ng Pilipinang ina, madaling niyakap ni Phil ang football kasama ang kanyang kapatid na si James.


"1996 nang maging bahagi si Phil ng Chelsea Football Club bilang Midfielder. 2005 naman nang makapasok siya sa Philippine Football Team. Sinubukan niya ring sumabak sa iba’t ibang larangan gaya ng pagkanta, pag-arte at pagmu-modelo. Naging magandang karanasan daw ito para kay Phil subalit hindi siya naging masaya. Mas gusto niya na magconcentrate sa isang bagay na alam niyang dalubhasa siya--at iyan ay walang iba kungdi ang larong football.


"Tumodo ang kasikatan ni Phil nang maging bahagi siya ng Team Azkals lalo na nang maipanalo nila ang kanilang mga laban kontra sa mga Asian countries. Naging household name na ang apelyidong "Younghusband" lalo na nung maiugnay siya sa movie actress na si Angel Locsin.


"Pakinggan ang kuwento ng kasikatan, pagtitiyaga, pakikipagsapalaran, tagumpay at buhay pag-ibig. Walang inatrasang tanong si Phil at magugulat ang lahat sa mga rebelasyong kanyang bibitawan--mapa-football man o lovelife.


"Wag palalampasin si Phil Younghusband sa The Bottomline with Boy Abunda, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN