Marvin Agustin’s Kitchen Superstar is slated to run until July 1


Kitchen Superstar will test the culinary skills of 15 cook-contestants from all over the Philippines. Marvin Agustin (middle) hosts GMA-7’s reality cooking game show.


Painit na nang painit ang kompetisyon sa unang reality cooking show sa Philippine television, ang Kitchen Superstar.

Matapos ang mga auditions na ginanap sa NCR, Pangasinan, Pampanga, Naga, Cebu at Iloilo at Davao, nakahanap ng 15 would-be cooks ang GMA-7. Iba’t iba ang mga background at personality, silang lahat ay nangangarap na mapanalunan ang P1 million cash grand prize.

Sa ginanap na presscon sa 17th floor ng GMA Center ay kumpleto ang mga finalists—ang minsang paglabas nila mula sa kanilang "pagkakakulong" sa Casa Pura sa loob ng isang buwan. Dito rin sila sama-samang nakatira at dito ginaganap ang kanilang mga showdown.


Tatlo sa finalists ay mula sa NCR, Pangasinan and Iloilo, dalawa ang mula sa Naga and Davao and tig-isa naman mula sa Cebu and Pampanga. Narito ang mga pangalan ng 15 finalists ng Kitchen Superstar:


1. Maria Marlene Carlos - NCR
2. Arabella Padilla - NCR
3. Fe Dorina De Paz - NCR
4. Riza Cruz - Pampanga
5. Joer Rosal - Naga
6. Sonny Azarcon - Naga
7. Teresa Lledo - Pangasinan
8. Janice Andaya - Pangasinan
9. Dolph Gonzales - Pangasinan
10. Michael John Nicasio - Cebu
11. Judiel Trogani - Iloilo
12. Red Zamora - Iloilo
13. TJ Temelo - Iloilo
14. Jethro Ypil - Davao
15. Ms. Aileen - Davao

Kapwa walang professional training ang mga cook-contestants. Kaya’t ang kanilang mga kaalaman at skills ay natsa-challenge. "May matanggal man diyan, hanggang sa dulo, may mga natutunan sila," sabi ni Marvin Agustin, restaurateur at host ng naturang reality show. Bukod sa pagiging chef at restaurant owner, nagsimula bilang waiter si Marvin. "Kaya medyo kabisado ko na nang kaunti kung ano yung gusto ng tao.

"May pressure involved. Mahirap din dahil everyday may challenges: [sila ay] gigising, matutulog, gagawa. Pero sabi ko sa kanila: ’hindi nalalayo ’yan sa totoong buhay.’ Close to reality talaga ang nangyayari sa amin: pagod, challenges, hirap. Ganoon na ganoon din sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Taste ang nangunguna lagi sa criteria namin. Uniqueness and creativity nila sa dish. Napakalaki ng mundo niyang puwedeng ikutan. Madaming possibilities para sa winner ng unang cooking-reality game show sa Pilipinas," ani Marvin.


EMOTIONALLY AND PHYSICALLY DRAINING. Dahil nalagay sila sa bagong environment kasama ang mga taong hindi nila kilala, nakadagdag ito sa stress at pressure na nararamdaman ng mga contestants.

Kuwento ni Ting: "Nung first week, every night, umiiyak ako. ’Yun ang sobrang mahirap. Emotionally stressed at physically stressed ka. Sa gabi, di ako makatulog, thinking about my two kids," sabi ni Arabella. Karamihan sa kanila ay ngayon lang nawalay nang ganito katagal mula sa kanilang pamilya. "Sa loob ng 12 taon, lagi kong kasama ’yung asawa ko. Pinakamatagal na kaming di magkasama dati ay 2 weeks. So emotionally burdened ako."


Dagdag pa niya: "Mahirap, pero challenging. Kailangang labanan yung mga dinadamdam para sa challenges at yun din yung nagsisilbing inspiration sa pag-perform sa bawat challenge."

Ayon naman kay Jahzt, na isang nurse: "May partner ako, at ito yung pinakamatagal na di kami nagkita at nagkausap. Yung father ko naman, maysakit, at ako ang nag-aalaga sa kanya." Dagdag pa ng Pangasinense: "Medyo mahirap, lalo na at matanda na sila. Ngayon kasi, wala pa akong napapatunayan sa kanila, Gusto ko mabigyan sana sila ng kahit kaunting ginhawa."

Mahirit rin ito para sa isang ina tulad ni Marlene. "Nakakaiyak talaga, kasi first time kong nahiwalay sa mga anak ko. Nilalabanan na lang namin yung lungkot sa pamamagitan ng kuwentuhan."


Malaking sakripisyo rin para kay Jude ang pagsali sa cooking show na ito. "Emotionally, napakahirap. Lumalaban ka not just for yourself, dahil din sa pamilya. Sa status namin, hirap din kami. Umiiyak ako minsan, akala mo kasi, laglag ka na. Nagawa ko naman lahat," sabi ng Ilonggo na si Jude. "Nabilanggo yung father ko, di namin nakita hanggang sa namatay siya. Til now, di pa nakikita nung nanay at kapatid ko, kahit libingan ng father ko sa Muntinlupa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CONTEST WILL END ON JULY 1. Ayon kay Karen Lumbo, program manager ng Kitchen Superstar, mas madami at mas intense pa ang mga pagdadaanan ng mga finalist sa darating na mga episode. "They will be cooking for the most number of people they have ever cooked for. Some of them will experience what it’s like to be a celebrity—that will be a challenge for some of them who are low profile. They will even serve as celebrity chefs in front of an audience, dapat kasi hindi lang sila magaling magluto sa kusina, minsan kailangang may showmanship."

Mula top Filipino chefs, celebrities at foreign chef, madaming criticism ang pagdadaanan pa ng mga cook-contestant. Dito malalaman kung sino ang kakayanin ang stress ng programa, kung sino ang malakas physically, mentally, emotionally

Sa Facebook, aktibong aktibo ang higit 5,000 fans ng palabas, kung saan ang drama ay laging hinihimay ng mga masugid na manonood. Makihalo sa diskusyon sa: facebook.com/kitchensuperstargma.

Abangan sa July 1, 2011 ang finale kung kailan malalaman kung sino sa limang matitirang finalists ang matatanghal na kauna-unahang Kitchen Superstar.

Ano man ang kalabasan ng kompetisyon, siguradong marami nang friendships at future partnerships ang nabuo sa pamamagitan ng programa.


Ang mga finalists na taga-Iloilo, sina TJ, Jude at Red, ngayon pa lang ay nagpa-plano nang magbukas ng isang restaurant sa kanilang probinsiya. "Gusto naming i-present doon yung winning dishes na mula sa show. Siyempre, dahil nakikita ng mga tao yung mga dishes sa TV, there, they can taste them," kuwento ni TJ. Taga-Guimbal, Iloilo si TJ, samantalang si Jude (na ang tunay na pangalan ay Judiel) ay mula sa Tigbauan, at si Red naman ay sa Miag-ao.

Napapanood araw-araw ang Kitchen Superstar bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN