Datus and rajahs from Mindanao laud Amaya for portraying rich cultural history of the Philippines


Datus and rajahs from Mindanao are curious to watch the ceremonies that will be depicted in GMA-7’s epicserye, Amaya.


Nagsimula nang mapanood ang Amaya, kagabi, May 30 sa GMA-7. Pero hindi lang pala mga fans ng bida nitong si Marian Rivera ang excited na mapanood ang naturang epicserye kundi pati ang real-life datus at rajahs ng mga tribu sa pinag-uusapang Mount Diwalwal sa Mindanao, ang sinasabing Asia’s largest gold mining reserve.

Ito ang pinatotohanan ni Rajah Carlito Buntas ng tribung Dibabawons nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Unity Declaration: Peace and Development Covenant turn-over ceremony na ginanap sa Edsa Shangri-La Hotel noong May 27.

"Oo, gusto ko ring mapanood. Kasi gusto kong magkaroon ng katotohanan kung bakit tayo Pilipino. Saan tayo galing? Sino ang pinuno natin? Ano ang seremonyas? Paano ang binyag sa bata? Paano ma-appoint ang datu?" sabi ng 68-year-old rajah.

Tulad ng magarbong costumes sa Amaya, nakasuot din ng kanilang ceremonial o traditional dress ang mga datu at rajah sa Unity Declaration event. Kaugnay ito ng pagsasapubliko ng nangyaring pagkakaisa ng apat na ethnic leaders ng Monkayo, Compostela Valley Province kung saan located ang Mt. Diwalwal.

Ang apat na ethnic leaders ay binubuo nina Rajah Buntas, Datu Victoriano Tulik Tunggay ng tribung Manobos, Datu Rozalino Andresan ng Mandayas at Datu Carlito Maligamon Alejo ng Mangguangans. Naging katulong nila para makamit ang kapayapaan sina National Commission on Indigenous People Chair Roque Agton Jr. at Eric Tagle, ang presidente ng Jake Mining Corporation, na napili ng mga tribu bilang investor at mining partner para sa responsible mining sa Diwalwal area.

A RAJAH’S LIFE. Tampok sa Amaya ang mga katulad nilang tribe leaders gaya nina Rajah Mangubat at Datu Bugna na ginagampanan nina Gardo Versoza at Raymond Bagatsing, respectively.

Ayon pa kay Rajah Buntas, nakuha niya raw ang kanyang pagiging rajah sa pamamagitan ng blood compact. Minana niya raw ang posisyon mula sa kanyang ama na dating rajah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I became a rajah through blood compact in 1972. Kasi you become a rajah, iinumin ang dugo mo sa council. Sabi, ’Your blood is my blood. Our blood is your blood. So, help us.’"

Mabuti raw na may palabas katulad ng Amaya na tumatalakay sa kulturang Pilipino para magkakaroon ng kaalaman ang iba tungkol sa mga datu at rajah gayundin sa kasaysayan ng bansa bago pa sakupin ng mga Kastila.

"Dapat malaman natin through media at telebisyon through support of the government para magkakilala na tayo ay magkakapatid. Lahat itong ating bansa isa lang ang ninuno natin, ang Malay," ani Rajah Buntas.

Ang concern lang daw niya ay sana kung anumang facts ang ipapakita sa Amaya ay pawang hango sa katotohanan lamang o sa kasaysayan ng Pilipinas mismo.

"Marami tayong istorya. Pero dapat ibase rin sa history. Maganda naman na ma-expose siya sa ibang tao pero kailangan totoo."

OPENING THE DIWALWAL TRIBES TO THE MEDIA. May mga media people na bang lumapit sa kanila para mai-feature ang kanilang mga tribu sa Mt. Diwalwal sa isang documentary o news story?

"Wala pa. Kasi ang media naman sa aking isip, kailangan namin ng media. Pero ang media minsan dumadaan-daan lang."

Kung tutuusin naging location o backdrop na ng Hollywood movie na I Come With The Rain na pinagbibidahan ni Josh Hartnett (bida sa Pearl Harbor at Black Hawk Down) ang Mt. Diwalwal. Pero hindi naman raw natalakay dito ang tungkol sa kultura at tradisyon ng kanilang mga tribu.

Willing din ba sila na maitampok ang buhay at kultura ng Diwalwal tribes sa pelikula o sa teleserye?

"Well, why not? Gusto namin yan. Para malaman ng mga tao na ang Diwalwal matagal na at ngayon nga wala ng gulo."

Handa rin daw siyang maging resource person sa sinumang magiging interesado na gawan sila ng istorya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ready akong tumulong. Nandito lang ako para maka-contribute sa history."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN