Vic Sotto will host TV5’s newest game show, R U Kidding Me? Owws? Hindi nga?!


TV5’s newest game show, R U Kidding Me? Owws? Hindi nga?! is hosted by Vic Sotto (middle) with funny duo Jose Manalo and Wally Bayola.


PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Parating na ngayong Sabado ng gabi, June 4, ang pinakamakulit na game show sa Philippine TV kasama ang Bossing ng mga Game Show na si Vic Sotto. Nagbabalik din ang kwelang tambalan nina Wally Bayola at Jose Manalo upang maghatid ng katatawanan na maaaring kapulutan ng kaalaman.

"Mula sa Netherlands kung saan nanggaling ang franchise ng programa, susubukan ng nasabing game show ang husay ng isandaang contestants upang piliin kung sino kina Jose at Wally ang nagsasabi ng totoo sa partikular na tanong o sitwasyon.

"Nakakatuwang tagisan ng kaalaman at katatawanan ang masasaksihan dahil lilituhin nang husto ng dalawa ang mga contestant upang umayon sila sa kanilang sagot. Unti-unting malalagas ang mga kontestant sa bawat maling sagot hanggang matapos ang oras at matira ang nanatiling matatag sa laro.

"May pagkakataong manalo ng hanggang P100,000 ang matitirang bumoto para sa tamang sagot. Sulit din ang pagsali dahil bukod sa limpak-limpak na papremyo, doble-dobleng kasiyahan din ang hatid ng programa.

"Kaabang-abang din kung ano ang mga gagawing kalokohan nina Wally at Jose upang mapaniwala nila ang mga contestant na sila ang may susi sa tamang sagot. Hindi naman papahuli sa pahulaan si Vic Sotto dahil may baong surpresa din si Bossing sa mga manunuod.

"Sagot ng R U Kidding Me? Owws? Hindi nga?! ang katatawanan tuwing Sabado ng gabi simula sa Hunyo 4, bago mag-Talentadong Pinoy sa TV5. Makisama na sa hulaan at katatawanan, Kapatid!"

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN