Ejay Falcon recalls how Empress helped him fix his "tampuhan" with Erich Gonzales


"Yung time na hindi naman masasabing away pero yung nagkatampuhan kami ni Erich [Gonzales]. Dun mga grupo nila, si Empress yung isa sa mga tumulong para magbati kami, sinasabihan niya ko nang ’Mag-sorry ka na...magsorry ka na...’ Na-appreciate ko naman yun," says Ejay Falcon about his Guns and Roses leading lady, Empress (right).


Pinangungunahan ng comebacking ABS-CBN star na si Robin Padilla ang cast members ng upcoming actionserye ng Kapamilya Network, ang Guns and Roses. Makakasama niya rito sina Bea Alonzo at Diether Ocampo. Magpapakilig din sa mga manonood ang team-up ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus grand winner Ejay Falcon at si Empress sa naturang primetime series na magsisimula nang mapanood ngayong gabi, June 6.

Sa katatapos na presscon ng Guns and Roses, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makapanayam sa kanilang dressing room sina Ejay at Empress bilang bagong loveteam sa astig na teleseryeng ito.

Anong masasabi niyo at binigyan kayo ng chance na mapasama sa teleseryeng ito?

Empress: "Of course, super happy. Makikita mo pa lang yung cast, talagang pag nakita mo, masasabi mong nakakakaba pero nakaka proud, kasi isa ka sa mga new generation na napili nila para makasama sa mga legendary. At the same time natsa-challenge, saka ang ganda nung project at ang bigat kaya kailangan mo talagang patunayan na deserving ka para mapasama ka sa teleseryeng ito."

EJ: "Talaga namang nakaka-proud, di ba sabi ng mga writers kanina, pinili talaga nila yung mga artista para dun sa karakter, hindi basta basta, sinala talaga nila. So, sobrang nakaka-proud. Masaya ako.

"Hindi na kami dumaan sa audition. Talagang kinuha nila kami at sinabi nilang bagay si ganito sa karakter na ito. So, isa kami ni Empress na napili, para bumagay sa isa sa mga karakter ng teleseryeng ito.

"Sa dinami rami ng mga artista, sa Star Magic pa lang ilan na kami sa pagpipilian na kasabayan ko, pero kami ni Empress ang napili na gumanap sa karakter na ito, so, nakaka proud talaga. Kaya salamat sa ABS-CBN."

How was it like working as a loveteam?


Empress:
"Ok naman, kasi nung una pa lang na malaman na kami magka loveteam, magkaibigan na rin naman kami ni Ejay. May friendship na kami bago pa man kami mag umpisa.Kaibigan ko naman na rin sya kaya wala na ilangan. Sina Felix, Matt [Evans] at yung iba kasi na nakasama ko na love team kailangan ko pa kilalanin at pakibagayan. Samantalang si Ejay matagal ko nang kakilala kaya wala nang ilangan factor."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano kayo nagkakilala or naging magkaibigan ni Ejay?

"Sa mga common friend kina Melissa [Ricks]..."

Biglang sumabat si Ejay at sinabing...

"Magka-chatmate kami niyan ni Empress...(sabay tawa). Kasi yung time na hindi naman masasabing away pero yung nagkatampuhan kami ni Erich [Gonzales]. Dun mga grupo nila, si Empress yung isa sa mga tumulong para magbati kami, sinasabihan niya ko ng ’Mag-sorry ka na...magsorry ka na...’ Na-appreciate ko naman yun. Sabi ko ang bait ng taong ’to. Di naman siya close sa akin that time pero tumutulong siya."

How would you compare Empress sa mga naging leading ladies mo in the past?


Ejay:
"Si Empress kasi kaibigan ko na siya dati pa. Sina Erich [Gonzales] at Queenie [Padilla] kasi nung mga nag start kami niyan as a loveteam di ko pa sila kilala. Saka magaling si Empress."

Noong nalaman niyo na kayo ang magka love team sa teleseryeng ito ano ang maramdaman niyo?

Ejay: "Masaya siyempre, kasi nga kaibigan ko na si Empress. Tinawag ko pa nga siya noon na ’Loveteam, kamusta ka na, Loveteam?’ Matagal pa bago mag-start shooting namin, alam na namin na kami ang mag-love-team."

Empress: "Medyo nakakagulat, tanung ko sa sarili ko, of all people bakit sya pa magiging ka-loveteam ko? (sabay tawa) Nakakagulat kasi, kaibigan ko siya tapos ka-gym mate ko pa siya. Halos araw-araw kaming nagkikita sa gym.

"Kaya noong nagkita kami sabi ko sa kanya, ’Uy, ’kaw makaka- loveteam ko.’ Never pumasok sa isip namin, never namin inasahan na. Okay na rin kasi yung bago mong makakatrabaho ay kaibigan mo na. Wala ka nang dapat problemahin."

Anong aabangan ng mga manonood sa inyo dito bilang loveteam?


"Siguro, ito na yung pinaka-nagawa kong nakakakilig."

Sabat naman ni Ejay, "Mayroon kayo ritong aabangan kay Empress na di pa nya nagagawa."

Empress, bakit kakaiba? Anong kakaiba sa teleseryeng ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Empress: "Kakaiba kasi, dito nyo lang makikita yung kilig na kakaiba. Kasi itong Guns and Roses, may pagka drama sya lalo na sa mga karakter nina Kuya Robin at Ate Bea. Pero pag pinanood nila kami rito ni Ejay, matutuwa sila at kikiligin sila sa mga eksena naming. Kung sobrang bigat ng eksena ng ibang karakter na sobrang gagaling naman. Kami naman yung magbibigay dito ng kilig at aliw."

Sabi naman ni Ejay, "Ayun nga maraming mga batikang artista na nandito, pero pagdating sa mga manunuod na ka age namin. Makaka relate sila sa amin ni Empress, kikiligin sila sa mga ekesena namin."

How was it like working with these big stars tulad nina Robin, Bea at Robin? Kumusta sila katrabaho?


Empress: "Si Ate Bea, matagal ko nang nakakasama. Si Kuya Robin naman tulad ng sabi ko kanina sa presscon, na starstruck ako lalo na nung me eksena kaming dalawa. Muntik na nga akong di makaarte. Nakakabilib si Kuya Robin, kasi mabait sya sa lahat ng tao, sa mga fans nya. Very hands on sya sa kanyang trabaho saka very professional. Kaya dun ako humahanga sa kanya."

Ejay: "First time kong makatrabaho si Bea at kay Diet. Si Sir Robin naman, nakasama ko na nung nag shoot kami sa India for Tum, My Pleadge of Love. Marami kong natutunan kay Sir Robin nung nag shoot kami sa India. Ngayon dito sa Guns and Roses, siya madalas kong ka eksena kasi nga kapatid ko sya rito, medyo challenging yung role naming dito. Si Bea naman, sobra kong excited makatrabaho sya, kasi fan din ako ng John Lloyd-Bea, parang napaka sarap sya katrabaho although wala pa kaming eksena, pero sa nakikita ko naman, masarap ka trabaho si Bea. Excited akong maka trabaho sila."

Paano kayo nakipagsabayan sa karakter nina Robin Padilla, Bea Alonzo at Diether Ocampo? Medyo nahirapan o na challenge ba kayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Empress: "Kung ano man ang karakter namin dito sa teleseryeng ito, mahirap man or madali, na challenge man kami or hindi, kailangan naming gawin yung trabaho naming ng maayos. Kailangan naming makipagsabayan sa galing nila kahit anong mangyari. Kumukuha rin kami ng lakas ng loob sa kanila. Kung meron mang pagkukulang sa amin, sila yung magiging inspirasyon naming para magawa namin ng maganda yung eksena."

Ejay: "Unang-una kasi, hindi ka matatakot magkamali. Kasi si Sir Robin, pag nag ba-buckle ka sinasabi niya sa akin, ’O tol, ok lang yan tol.’ So, hindi ako kinakabahan sa kanya. Tapos natututo ako sa kanya, ang dami kong natututunan sa kanya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN