Phillip Salvador plays Mon Tulfo in Star Confessions


Phillip Salvador (left) plays the hard-hitting news columnist and broadcaster Mon Tulfo in the opening of the third season of Star Confessions .


PRESS STATEMENT FROM TV5:

"Sa pagsisimula ng ikatlong season ng nangungunang drama anthology na Star Confessions, alamin ang drama sa likod ng kilalang kaaway ng mga kawatan at kakampi ng mga naaapi—si Mr. Ramon Tulfo sa de-kalibreng pagganap ni Mr. Phillip Salvador.

"Panganay sa tinaguriang Tulfo brothers, hindi naging madali para kay Mon na tahakin ang mundo ng pamamahayag. Hindi man pinalad na sundan ang yapak ng kanyang amang sundalo, nagsumikap ang popular na kolumnista at TV host upang marating ang kinalalagyan niya ngayon. Sinanggahan ng walang takot na mamamahayag ang kaliwa’t kanang banta sa kanyang buhay at mga kaso ng libelo mula sa mga kilalang opisyal ng gobyerno upang manindigan sa katotohanan—ang prinsipyong, ayon kay Mon, ay nananalaytay sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.

"Antabayanan ang maaaksyon at makukulay na pangyayari sa buhay ng mamahayag na gagampanan ni Mr. Phillip Salvador. Bahagi rin ng produksyon sina Anyka Asistio bilang unang asawa ni Mon; Ms. Carmi Martin bilang si Josephine, pangalawang asawa ni Mon; at Ricardo Cepeda bilang si Col. Tulfo, ama ng magkakapatid na Tulfo.

"Mula sa pagsasalaysay ni Ms. Cristy Fermin, hihimayin ng programa ang ang mga pagsubok at tagumpay na naging mahalagang bahagi ng buhay ng "sumbungan ng mamamayan" ngayong Miyerkules ng gabi (Hunyo 8) pagkatapos ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5."

Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN