Utol Kong Hoodlum airing date moved to September; TV5 avoids pitting remake against Robin Padilla’s ongoing teleserye


JC de Vera and Jasmine Curtis-Smith, the lead stars for TV5’s show Utol Kong Hoodlum, have no issues regarding the postponement of their show. Vice-President for Entertainment Perci Intalan (inset) says the decision to move the airing date to September was initiated by TV5 management.


Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang finale week ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

Sa pagtatapos ng nasabing palabas, ang nakatakdang pumalit dito ay ang remake ng ’90s film na Ang Utol Kong Hoodlum. Pinagbidahan ito ng action star na si Robin Padilla at ni Vina Morales.

Pero kanina lang, nag-tweet si Perci Intalan, Vice-President for Entertainment ng TV5, na mamo-move ang airing date ng nasabing palabas sa September.

Kaya naman tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Perci ngayong hapon, June 9, upang alamin ang dahilan sa pagbabago ng airing date ng Utol Kong Hoodlum.

RESPECT FOR ROBIN PADILLA. Ayon kay Perci, ang paglipat ng airing date ng nasabing palabas ay "initiated" ng TV5 management mismo.

"Actually, dini-discuss nga namin, nakakahiya rin," banggit ng TV5 executive.

"Kasi if ever, tinignan nga namin, it hasn’t happened before.

"Nung ni-remake yung Bituin Walang Ningning ni Sharon [Cuneta], ni-remake ni Sarah, pero walang teleserye si Sharon. Ni-remake ni Jake Cuenca yun Palos, pero wala naman si Bernard Bonnin.

"Kumbaga, this is going to be the first time na ire-remake mo yung isang palabas na yung original star is actually katapat.

"So uncomfortable kami, kasi even if naman maintindihan ni Robin, parang baka hindi rin magandang tignan.

"[Baka] sabihin ng tao bakit tinatapatan namin siya [Robin]."


Sa kasalukuyan, pinapalabas sa ABS-CBN ang actionserye ni Robin na Guns and Roses.

Dagdag pa niya, ayaw din naman nilang maapektuhan ang magandang relasyon ng network at ni Robin.

"Actually initiated lang namin ’to completely.

"We also want to retain good relationship with the stars. E, ito it’s not going to be a very big, big deal for us na, what’s a few months?

"Ang tagal na nating ginawa ’to, what’s few more months before we air it?"

Matagal na daw alam ni Robin ang tungkol sa remake na ito ng kanyang pelikula noon, dahil sa manager niyang si Betchay Vidanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Betchay ay manager rin ng isa sa mga lead stars ng palabas na si Jasmine Curtis-Smith.

"Actually ready kami talaga to air in June, ang problem, you know, siyempre malaking bagay ’yan for us, nilabas ng [ABS-CBN] yung Guns and Roses ni Robin.

"Si Robin kasi at si Jasmine Curtis have the same manager, si Betchay.

"I told Betchay, ’Betchay magkakasabay ’ata ng labas yung Guns and Roses ni Robin saka itong Utol Kong Hoodlum. I just want you to know na hindi namin sinadya yun kasi June talaga ang target namin.

"Tapos sabi ni Betchay, ’Okay lang yun, maintindihan naman ni Robin yun, hindi naman sinadya.’"

Kaya naman kahit pa handang-handa na silang mag-air ng Utol Kong Hoodlum, pinili nilang ilipat ang airing date nito sa September.

"So we decided na out of respect na lang for him, kay Robin, kasi siya yung original star ng Utol Kong Hoodlum, ipu-push back na namin.

"Malaking bagay sa amin yun, kasi si Robin naman din hindi siya madalas mag-soap [opera].

"So parang dito sa amin, sige na, nakakahiya naman, minsan na nga lang mag-soap si Robin tatapatan pa ba namin ng title na siya ang nagpasikat?

"So yun, so we decided to push back."

Bagaman nausog ang kanilang show, hindi naman daw alintana ng lead stars nitong sila JC de Vera at Jasmin Curtis-Smith, ang naging desisyon na ito ng kanilang management.

Kuwento ni Perci, "Si JC ka-text ko, okay siya with it. Kasi you know, kasi naiintindihan naman niya why [it was moved]."

Bukod pa dito, nabanggit din ni Perci na umiiwas lang din daw si JC na maikumpara ang performance niya kay Robin Padilla.

"Sabi nga niya noong una niyang tinanggap yung project, uneasy siya, kasi nga Robin Padilla, e.

"So ayaw niyang masabi na binabangga niya si Robin, at natatakot siya, siyempre, sa comparison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So nang malaman niyang magpu-push back, he’s okay with it."

Naparating na din naman daw nila ang balita kay Jasmine thru Twitter at sa manager nitong si Betchay.

NEW SHOW. Kahit pa man mausog ang airing ng palabas, tingin naman ni Perci ay hindi maaapektuhan ang magiging reception ng tao dito.

"Kasi it’s just ano, e, parang pelikula ’yan, e.

"Tinapos namin siya nang buo, hindi naman siya tipong set in a particular time frame, wala naman kaming ganun concern, e."

Paliwanag pa niya, "Kasi lumabas na yung teaser niya this week, maganda ang feedback.

"Actually, pinakita ko nga sa programming committee namin kahapon yung full trailer, nanghinayang din sila na hindi pa ilabas.

"But in the end we decided, it’s a good show, whenever we release it, it’s a good sign, kumbaga maganda yung proyekto mo, e."

Sa ngayon, inaayos na ng TV5 ang magiging replacement ng Utol Kong Hoodlum, na magte-take over sa time slot ng patapos ng Mga Nagbabagang Bulaklak.

"Meron kami ia-announce na replacement.

"Actually hindi naman kami pressured na kailangan may kapalit kaagad. Kasi marami kaming shows naman, e.

"So it’s just a matter of [time], kung matapos yung Nagbabagang Bulaklak, magsta-start ng earlier yung show after it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN